Joey de Leon and Lea Salonga kiss and make up on Twitter

Sa Twitter message ni Lea Salonga kay Joey de Leon na may kinalaman sa kababawan isyu, nagpasalamat ang Pinay Broadway star para sa “benefit of the doubt” na ibinigay sa kanya ng veteran comedian-TV host.


Nagkaayos na sina Joey de Leon at Lea Salonga kaugnay ng pagtu-tweet ng Broadway star tungkol sa "kababawan," kung saan nag-react naman ang veteran comedian-TV host.

Matatandaang umagaw ng pansin ang Twitter post na ito ni Lea noong Sabado, September 26:

Okay lang sa akin ang kababawan, pero hanggang doon na lamang ba tayo? #NagtatanongLangPo

— Lea Salonga (@MsLeaSalonga) September 26, 2015

Maraming netizens ang nag-react at sinabing ang Kalyeserye ng Eat Bulaga, na pinagbibidahan nina Alden Richards at Yaya Dub a.k.a. Maine Mendoza o AlDub, ang tinutukoy ng Broadway superstar.

Ngunit sa mga sumunod na tweets niya, nagpaliwanag si Lea na wala siyang partikular na pinapatamaan sa kanyang tweet.

Read: Lea Salonga clarifies her "kababawan" Twitter post has nothing to do with AlDub

Pero hindi ito nakaligtas kay Joey, na sunud-sunod ang pag-post ng patutsada sa naging tweet ni Lea tungkol sa “kababawan.”

O, para matapos na itong mga pagtatalo. Mabuti na ang MABABAW kaysa MABABA! Ayos? #ALDUBThisMustBeLove

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) September 28, 2015

Read: Joey de Leon reacts to Lea Salonga's "kababawan" Twitter post

Read: Joey de Leon: “Sa mga ayaw sa Kalyeserye at mga nakapaloob dito eh di WAG n’yong panoorin!”

Ngayong Huwebes, October 1, sinagot ni Lea ang isang tweet ni Joey, kung saan sinabi ng Eat Bulaga! host na baka ang pinatutungkulan ng Miss Saigon star sa kanyang tweet tungkol sa “kababawan” ay hindi ang AlDub kundi ang "kabila."

Hindi tinukoy ni Joey kung ano o sino ang sinasabi niyang "kabila," pero katapat ng AlDub ang pakulong “Miss Pastillas” ng It’s Showtime ng ABS-CBN, ang home network ni Lea.

Sa kanyang tweet, pinasalamatan ni Lea si Joey sa pagbibigay sa kanya ng beteranong comedian-TV host ng “benefit of the doubt.”

Sinagot naman siya ni Joey at sinabing wala na sa kanya ang isyu at magsimula na lang sila uli ng “A whole new world,” ang kilalang kanta ni Lea sa Walt Disney movie na Aladdin.

@AngPoetNyo Hi, Tito Joey, I'll take this to mean that you're at least giving me the benefit of the doubt. For that, thank you very much.

— Lea Salonga (@MsLeaSalonga) October 1, 2015

@AngPoetNyo Same to you!!! My best to everyone in EB Land!!!

— Lea Salonga (@MsLeaSalonga) October 1, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN