Jennylyn Mercado neither confirms nor denies if she’s single again: “Sa akin na lang yun.”

Jennylyn Mercado on loving again: “Siyempre, lahat naman tayo may pinagdaanan. Kaya parang careful na tayo. Siyempre, mas nakakatakot nang pumasok ulit sa panibagong relasyon kasi kailangan mo nang maging mas maingat.”


May mga nahihiwagaan sa estado ng lovelife ngayon ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado.

Sa pagkakaalam kasi ng publiko ay nagkabalikan na sila ni Dennis Trillo, ang kanyang leading man sa GMA primetime series na My Faithful Husband.

Pero may lumalabas ngayong balitang nag-break na diumano sila.

Single na naman ba si Jennylyn?

“Sa akin na lang yun,” nakangiting tugon ng aktres sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters sa presscon ng pelikulang The Pre-Nup, sa Valencia Events Place, noong September 29.

Kumusta na sila ni Dennis?

“Magkaibigan naman kami,” matipid na sagot ni Jennylyn.

Nagkahiwalay nga ba sila ulit pagkatapos magbalikan?

“Ha? Paano nangyari yun, hindi pa nga... paano?

"Hindi ko alam kung saan galing," sabi niya.

Ngayong nagbalik na ang closeness nila ni Dennis, ganun pa rin ba sila sa isa’t isa o may nabago?

“Ganun pa rin, wala namang nababago. Ganun pa rin,” nakangiting sagot ni Jennylyn.



SCARED TO LOVE AGAIN. Takot na ba siyang magmahal muli?

Ayon kay Jennylyn, “Siyempre, lahat naman tayo may pinagdaanan kaya parang careful na tayo.

"Siyempre, mas nakakatakot nang pumasok ulit sa panibagong relasyon, kasi kailangan mo nang maging mas maingat."

Paano siya magiging masaya sa buhay pag-ibig kung natatakot siyang magkaroon uli ng relasyon?

Tugon niya, “Sa ngayon kasi siguro, uunahin ko muna ang trabaho ko sa dami ko ring ginagawa. Trabaho na lang muna.

“May soap, may movie, may StarStruck pa, may cooking show pa.

"E, hindi birong trabaho yun. Talagang literal araw-araw."

Nilinaw rin ni Jennylyn na hindi siya ang tumangging i-extend ang My Faithful Husband, kundi dahil sa dami ng ginagawa niya ngayon.

“Actually, hindi naman ako, yung schedules ko.

"Kung ako lang, kung ako lang talaga, bakit naman hindi i-extend? Minsan-minsan lang nagkakaroon ng soap.

“Mas maganda kung mas mahaba.

“Pero dahil wala na rin kasi. Hanggang doon na lang ang contract namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala na rin akong magagawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN