Sam Milby on why he's still single: "I think, it took time for me to pick up from [my] last relationship."

Sam Milby seemingly is showing sparks of interest in Jennylyn Mercado, his leading lady in The Prenup. "Nahihiya ako, e. Alam mo naman ako, kapag masyadong maganda, mabait. I mean, you really have to get out of your comfort zone if you want to really pursue somebody, 'di ba?" he says.


Sa mga kilos at bitaw ng pananalita ni Sam Milby, marami ang nakahalatang kilig na kilig ito kay Jennylyn Mercado habang ginaganap ang press conference para sa pelikula nilang The Prenup, sa Valencia Events Place, sa San Juan City, noong September 29.

Halos matunaw na nga ang Kapuso actress sa mga papuring tinanggap niya mula sa Kapamilya actor-singer.

Inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam pagkatapos ng presscon proper, bakit nga ba kilig na kilig siya kay Jennylyn.

Nakangiting pahayag niya, "E, kasi naman, sobrang bait talaga niya.

“When you get to work with someone who's nice and kinda sexy din, mas lalong ang ganda ng puso niya.

"You know what I mean? Ang sarap, it's like going to work na exciting."

BEING SINGLE. Samantala, marami ang nagtataka na anim na taon nang walang karelasyon si Sam pagkatapos ng breakup nila noon ni Anne Curtis.

Nasa kanya naman lahat ng katangian para magustuhan ng isang babae.

Choice ba niya ito?

Saad ni Sam, "Ako, personally, I don't know.

"I think it took time to pick up din from [my] last relationship.

"Alam mo, may taong parang enjoy na lang being single, enjoy with my friends.

"Ngayon kasi, hindi naman ako lumalabas, I don't meet anybody new, and that's another thing.

"Personally, I've always wanted na sana ay non-showbiz naman para hindi inaano ang lovelife ko.

"Yun nga, like what I always say, lagi na lang sa trabaho yung people that I meet, so wala pa talaga."



RIGHT TIMING. Bakit nga ba hindi pa niya ligawan si Jennylyn, lalo na nga't balitang single ito ulit ngayon?

Saad ng Fil-Am actor-singer, "Yun nga, sabi ko nga, porke't may project kami, kailangang... di ba?

“Sa tamang panahon, hindi porke't may project... parang hindi naman ganun kadali yun."

So, maybe, one of these days?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Oo naman... I mean, nahihiya ako, e.

"Alam mo naman ako, kapag masyadong maganda, mabait...

"Hindi naman sa overwhelmed ako sa kanya.

"Ako kasi, I'm naturally quiet, I'm naturally a quiet person, mahiyain.

"Tahimik naman ako, pero I don't know... it's just, enjoy [lang muna] sa set."

MAYBE. Dahil nga raw sa pagiging tahimik at mahiyain ni Sam, baka maunahan siya ng ibang lalaking nagkakainteres kay Jen.

Sabi niya tungkol dito, "Well, puwedeng mangyari.

"I mean, sometimes you really have to get out of your comfort zone if you want to really pursue somebody, di ba?

"Kung gusto mo talaga, kailangan, di ba?"

Pero nakikita ba niyang potential girlfriend ang kanyang kapareha sa movie?

Ani Sam, "Puwede, puwede... hindi ko masasabi.

"Of course, we’ll never know... I’m just a naturally quiet person."

Hindi ba niya naisipang yayain na mag-date si Jennylyn?

Saad ng 31-year-old singer-actor, "Kasi it's all work yung nangyari sa amin, e.

"Puwede naman ngayon na tapos na ang shooting, let's see, ayoko namang sabihin na, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN