Maine Mendoza sings "Cry" for Alden Richards

Naging teary-eyed si Alden Richards nang kantahin ni Maine Mendoza ang ilang linya mula sa awiting "Cry" ni Mandy Moore sa episode ng Kalyeserye ngayong Biyernes, October 2.


Muli na namang narinig ang singing voice ni Maine Mendoza sa episode ng Kalyeserye ng Eat Bulaga! ngayong Biyernes, October 2.

Kung kahapon, October 1, ay kinilig ang AlDub Nation sa unang pagdu-duet nina Maine at Alden Richards ng "Wish I May" at "God Gave Me You," kaninang tanghali naman ay isang makahulugang awit ang inihandog ni Maine kay Alden.

Read: Alden Richards and Maine Mendoza sing a duet for the first time

Kinanta ni Maine ang ilang linyang ito mula sa awitin ni Mandy Moore na "Cry," na theme song din ng 2002 Hollywood movie na A Walk To Remember:

In places no one would find
All your feelings so deep inside (deep inside)
It was then that I realized
That forever was in your eyes
The moment I saw you cry

FROM (@arzlgarcia) "FOREVER WAS IN YOUR EYES, THE MOMENT I SAW YOU CRY....." #ALDUBarkadsPreparation ♡ pic.twitter.com/APb7jZBsHx

— ALDUB LOVE MAIDEN (@IAldub) October 2, 2015

Makahulugan ang mga linyang ito para sa AlDub at sa kanilang mga tagahanga dahil noong September 26 ay nakitang umiyak si Alden sa Eat Bulaga! habang kinakanta nang live ang "God Gave Me You" ni Bryan White.

Ang "God Gave Me You" ang siyang pinakasikat at pinakaespesyal na kanta ni Alden para kay Maine/Yaya Dub.

At sa kanyang live performance ay inalay ni Alden ang kanta kay Maine.

Hindi naman kasi kaila sa lahat na mula nang dumating sa buhay ni Alden si Maine, at kinagat ng publiko ang tambalang AlDub, ay nagbago na pareho ang kanilang mga buhay.

Read: Alden Richards cries while singing "God Gave Me You" for Maine Mendoza

Mas nabigyan ng kahulugan ng AlDub fans ang pagkanta ni Maine ng "Cry" dahil may linya rin sa kanta na ganito: "It was late in September..."

Ikinunekta nila ito sa araw na umiyak si Alden sa Eat Bulaga—September 26.

Kapansin-pansin din na habang kinakanta ni Maine ang "Cry" kanina ay naging teary-eyed si Alden.

Umaasa naman ang AlDub fans na sa pagbisita nina Yaya Dub, Lola Nidora (Wally Bayola), Tinidora (Jose Manalo), at Tidora (Paolo Ballesteros) sa Broadway studio bukas, October 3, ay mag-duet din nang live sina Maine at Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MORE BLESSINGS. Samantala, patuloy ang pagdagsa ng mga magagandang pangyayari kina Alden at Maine.

Matagumpay ang dalawang TV commercials nila para sa isang fastfood chain at telco company.

Si Maine naman ay may dalawa pang hiwalay na endorsements; isa para sa isang gadget (kasama si Wally Bayola as Lola Nidora) at isa para sa isang sardinas.

Sa kabilang banda, si Alden ay nakapag-shoot na rin ng TVC para sa isang household cleaning product.

Patuloy rin ang pagdagsa ng mga tao sa mall shows ni Alden; kagaya na lamang nitong araw sa Gaisano Mall sa Cebu City para sa kanyang Kapuso Fans' Day.

Nagsimula na ring mag-shooting sina Alden at Maine para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 entry na My Bebe Love, kasama sina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas.

Paborito rin silang kunin for magazine covers; dalawa rito ay para sa November 2015 issue ng nangungunang glossy magazines mula sa Summit Media.

Malapit na ring umabot sa 2 million ang followers nina Alden at Maine sa Twitter, kung saan kamakailan ay na-verified na ang kani-kanilang mga account.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN