Sharon Cuneta “a little offended” by FAMAS snub on Iconic Movie Queens of Philippine Cinema award

Hindi naitago ng Megastar na si Sharon Cuneta ang kanyang pagkadismaya sa hindi niya pagkabilang sa mga pinarangalang Iconic Movie Queens of Philippine Cinema ng FAMAS Awards. Labis naman ang kanyang pasasalamat at paghanga sa Superstar na si Nora Aunor dahil sa pagbahagi ng parangal nito sa kanya at sa iba pang mga artistang nakaligtaan ng FAMAS na parangalan.


Naglabas ng saloobin si Sharon Cuneta tungkol sa isang category ng award na iginawad ng 63rd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards o mas kilala sa tawag na FAMAS Awards.

Tila hindi kasi nabigyan ng importansiya ng naturang award-giving body ang naging kontribusyon niya sa industriya noong 80s and 90s, kung saan nakagawa siya ng 46 movies at karamihan sa mga ito ay blockbuster.

Nagbigay, sa kauna-unahang pagkakataon, ang FAMAS ng trophies para sa Iconic Movie Queens of Philippine Cinema noong September 20.

Ang napiling recipients nito ay sina Susan Roces, Sarah Geronimo, Maricel Soriano, Gloria Romero, Dawn Zulueta, at Nora Aunor.

Sa talumpati ng Superstar, ibinahagi niya ang kanyang parangal kina Sharon, Bea Alonzo, at Marian Rivera.

Sabi pa ni Nora, "Gusto ko pong hatiin ang karangalang na ito sa apat na tao na sana po ay makita rin natin sa entablado sa mga susunod na taon.

“Unang-una na ay si Ms. Sharon Cuneta, dekada otsenta. At itong year 2000 na si Bea Alonzo at si Marian Rivera, gusto ko pong ialay ang award na ito sa kanila."

VIEW GALLERY Sarah, Susan, Gloria, Nora, Maricel, and Dawn hailed as FAMAS Iconic Movie Queens


SHARON A LITTLE OFFENDED. Sa ikalawang gabi ng kanyang guest appearance sa Tonight With Boy Abunda ng ABS-CBN na umere kagabi, October 2, natanong si Sharon ng host na si Boy Abunda sa “Fast Talk” segment kung sino ang paborito niya: si Nora ba o si Vilma?

Pahayag ni Sharon, dati raw ay Vilma lang pero ngayon, kasama na si Nora sa kanyang paborito at nirerespeto.

Bago pa magtapos ang programa, sinabi ni Sharon na, “Can I just say something because I might have not the chance and please do not edit this out.

“Something happened and didn’t expect it from Miss Nora Aunor.”

Tanong pa niya kay Boy, “Did you hear about that?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think it’s on YouTube or Facebook at the FAMAS awards night.”

Dito na ikinuwento ni Sharon kay Boy ang tungkol sa naturang parangal na iginawad ng FAMAS sa mga movie queens and icons.

Pahayag ng Your Face Sounds Familiar juror, “Ate Guy, I don’t know how to get in touch with you but it was totally unexpected.

“And I just want to say, when one of the best actresses not only in the Philippines but in the world says, ‘Sana, gusto ko rin sana makita dito ang iba pang mga dapat na nandito. Unang-una na si Ms, Sharon Cuneta, dahil hindi natin matatawaran…’

“Ang mga ginawa ko daw nung 80s. Actually sabi ko nga, ‘So ano yung mga nangyari nung 80s at 90s?’

“Buti pa si Ate Guy, naalala niya. Parang kasi it was icons and queens, and I felt a little you know…a little offended by the FAMAS, because I know, I was once one of…

“You know we were a few, just a few of us who ruled the 80s and the 90s.

“And Ate Guy said that. And now I said, if one of the best actresses, like I said, in the country and in the world, says this about you and shows people…and shows you how much she respects being in the business and what you have contributed, you know what, wala nang hihigit pang honor doon, di ba?

“Kasi si Miss Nora Aunor siya. She’s the Superstar.

“So pagka-ganun kalaking artista na nirerespeto ng buong mundo ang talent, wala ka ng kailangang kung sino mang ano...

“I love you Ate Guy, and salamat po ng marami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN