Andre and Kobe Paras post touching birthday messages for dad Benjie on his 47th birthday

Ipinaramdam nina Andre at Kobe Paras sa pamamagitan ng kani-kanilang post sa Instagram ang kanilang pagmamahal sa amang si Benjie Paras, na nagdiwang ng kaarawan kahapon October 2. Diin ng dalawa, marami man daw silang dinaanang pagsubok, nananatiling buo ang kanilang samahan bilang pamilya.


Ipinagdiwang ni Benjie Paras kahapon, October 2, ang kanyang ika-47 kaarawan.

At sa pamamagitan ng Instagram, ipinaramdam nina Andre at Kobe—mga anak ng basketbolista kay Jackie Forster—ang pagmamahal sa kanilang ama.

Sa mensahe ng dalawa sa ama, binigyang diin ng mga ito na dumaan man daw sila sa maraming pagsubok, nanatiling buo ang kanilang pagmamahalan at samahan bilang pamilya.

Sabi ni Andre, "Happy Birthday to the man that had our backs since day 1! I dont believe that you get older but get younger because life is all about having fun and doing the things that make you happy I LOVE YOU PAPA BEAR+ #Early2000sOutfit #TuckInPaMore #TallBaldAndHandsome #IGotItFromMyDaddy"

Mensahe naman ni Kobe, "|| today is the birthday of this AWESOME guy! Happy birthday dad! You really are my superman. I really wish I was back home to spend this special day with you. We've been through so much and I'm so grateful that we're still standing tall. I miss you so much and I love you! Again happy birthday pops! || 💙👊🏽 ||"

Sa ngayon, hindi pa rin nagkakaayos sina Benjie, ang dalawang anak, at si Jackie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN