Alden Richards and Maine Mendoza shake hands for the first time

Isa na namang first ang naganap sa tambalang AlDub nang pumayag si Lola Nidora (Wally Bayola) na mag-shake hands sa unang pagkakataon sina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza).


Isa na namang 'first' ang naganap sa episode ng Kalyeserye ng Eat Bulaga! ngayong Sabado, October 3.

Pagkatapos ng kanilang first meeting, first date, first akyat-ligaw, first selfie, at first duet nitong mga nakaraang linggo, ngayong araw naman naganap ang kanilang first handshake.

Naganap na kanina ang pagbisita nina Yaya Dub (Maine), Lola Nidora (Wally Bayola), at Tinidora (Jose Manalo) sa Broadway studio upang makilala nang lubusan ng Dabarkads si Yaya Dub.

Parang fiesta naman ang naging pagsalubong ng Dabarkads kina Lola Nidora, Tinidora, at Yaya Dub.

Si Tinidora nga ay at home na at home sa pagsasayaw ng "Mambo No. 5" dahil sa napakaraming hagdan sa Broadway.

Isa-isa namang ipinakilala ni Lola Nidora si Yaya Dub sa mga Dabarkads.

At gaya ng kanilang ipinangako, hinarana nina Tito, Vic, at Joey si Lola Nidora.

Mas lalo namang kinilig si Lola Nidora nang kantahan siya ni Jimmy Santos.



ALDUB MEET AGAIN. Pagkatapos ng ilang sandali ay dumating na ang pinakahihintay ng lahat nang lumabas na si Alden upang batiin si Yaya Dub.

Dala-dala ni Alden ang mga bulaklak at mga pasalubong niya mula sa Cebu.

Noong una ay ayaw pang paglapitin ni Lola Nidora sina Alden at Yaya Dub dahil napakaiksi raw ng mesang uupuan nila.

Pero sa bandang huli ay pumayag na rin si Lola Nidora, sa isang kundisyon: kailangang talunin siya ni Alden sa bato-bato pik.

Nagtagumpay naman si Alden at natalo niya si Lola Nidora, kaya nakatabi niya si Yaya Dub sa mesa.

Pumayag din si Lola Nidora na mag-shake hands sina Alden at Yaya Dub.

Dito na naganap ang unang handshake nina Alden at Yaya Dub na ikinakilig ng lahat.

Pero ang lalong nagpakilig sa lahat ay nang muling kinanta nang live nina Alden at Maine ang ilang bahagi ng hit song ng Pambansang Bae na "Wish I May."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wish I may duet! AdminMich #ALDUBmeetsTVJ pic.twitter.com/xQqmfNA5dc

— TEAM MAIDEN|ALDUB (@TeamMaiDen) October 3, 2015

Sa isang punto ay inilayo ni Allan K si Lola Nidora, at ipinakilala sa mga tao sa audience, para mapag-isa sina Alden at Yaya Dub.

Sinulit naman ng dalawa ang panahong magkasama sila para makapag-usap, makapag-selfie, at uminom ng buko juice.

May pagkakataon pa ngang inilagay ni Joey ang kamay ni Alden sa balikat ni Yaya Dub

Nagkaroon din ng pagkakataon ang Dabarkads na makipag-selfie kina Alden at Maine.

Halatang pati sila ay kinikilig, at kinunan pa sa kani-kanilang cell phones ang mga kaganapan sa pagitan nina Alden at Maine.


THE SWITCH. Habang nagkakasayahan ang lahat ay kinausap ni Lola Nidora sina Tito, Vic, at Joey.

Gusto raw niyang makiisa sa Bayanihan Ni Juan project ng Dabarkads.

Ipinakiusap din niyang iiwan muna niya si Yaya Dub sa mga Dabarkads, at si Alden naman ang isasama niya.

Kaya simula sa Lunes, October 5, ay magpapalit na ng puwesto sina Alden at Maine.

Si Alden ay siya nang makakasama nina Jose, Wally, at Paolo Ballesteros sa iba't ibang barangay para sa "Juan For All, All For Juan" segment.

Si Maine naman ay siya nang makakasama ng iba pang Dabarkads sa Broadway studio.

Ito ay paraan daw para manilbihan si Alden sa kanila at makilala naman nang lubusan ng Dabarkads si Yaya Dub.

Pero biglang tumawag si Rihanna, ang mayordoma ni Lola Nidora, dahil may nangyari raw sa mansyon.

Agad-agad na umalis sina Lola Nidora, Tinidora, at ang mga Rogelio kasama na si Alden.

Habang si Yaya Dub naman ay naiwan na kasama ng Dabarkads.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN