Alex Gonzaga open to possible romance with Ejay Falcon

Alex Gonzaga on possibility of Kuryente Kid co-star Ejay Falcon falling for her: “Di naman sa di ko type. Di lang siguro kami nabigyan ng pagkakataon na mag-usap.”


Ngayong kinumpirma ni Ellen Adarna na pinatigil na niya si Ejay Falcon sa panliligaw sa kanya, maaari kayang mahulog ang loob ng aktor sa Wansapanataym Presents Kuryente Kid co-star niyang si Alex Gonzaga?

Read: Ellen Adarna on quickie rumor with Paulo Avelino: "If ever may nangyari man talaga... paki niyo?"

Matatandaang iniwan ni Ellen si Ejay noong nakaraang 9th Star Magic Ball at piniling sumama sa aktor na si Paolo Avelino.

Read: Ellen Adarna gets bashed for ditching Ejay Falcon for Paulo Avelino at Star Magic Ball

Pero kahit na-bash si Ellen sa pag-iwan kay Ejay na opisyal niyang date nang gabing iyon, dinepensahan pa rin ng aktor ang ginawa ng sexy actress.

Kinuwento ni Alex sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kung paano ipinagtanggol ni Ejay si Ellen.

“Oo naman, kasi dineyt niya si Ellen.

“Pinagtatanggol niya sa taping ha, in fairness.

“Sinasabi niya na di lang daw namin alam, may nangyari lang.

"Talagang naniniwala daw siya kay Ellen and okay daw sila,” pahayag ni Alex sa isang panayam sa Buddha Bar, Makati City, noong September 29, nang i-launch siya bilang first local celebrity endorser ng Proactiv.

Dahil sa ginawang pagbabawal ni Ellen kay Ejay, nabuhayan ng pag-asa ang ilang tagasubaybay ng Wansapanataym na baka mahulog ang loob ng aktor kay Alex.

May tsansa bang magustuhan ni Alex si Ejay dahil hindi sinasara ng aktres ang kanyang puso sa anumang posibilidad?

Sagot ni Alex, “Di lang talaga kasi siguro kami nabigyan ng pagkakataon. Kasi pag pumupunta siya sa taping, zombie siya kasi galing siya from another taping.

“Di kami masyadong nagkakausap. Pinapatulog ko na lang siya.

‘Di naman sa di ko type. Di lang siguro kami nabigyan ng pagkakataon na mag-usap.

“Mamaya i-kiss ko siya pag magkita kami. Once and for all, malaman ko type ko siya, may spark pala.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING ON SECOND BOOK. Unexpected success ang unang libro na sinulat ng aktres, ang Dear Alex, Break Na Kami. Paano? Love, Catherine.

Sinabi ni Alex na ginagawa na niya ang pangalawa niyang libro.

Kuwento niya, “Right now kasi, I’m doing my second book. It’s about dating, so I’m experimenting, but I have my limitations.

“I’m entertaining people. Yung para lang sa akin kasi, pag nag-experiment ako, di siya truthful sa readers, kasi nag-experiment lang ako.

"So di talaga ako nagkagusto. Wala siyang investment.

“Di talaga siya reality. Gusto ko pag sinulat ko, yung talagang tagos sa puso and talagang makaka-relate sila.

"Kasi di naman lahat ng tao nage-experiement pagdating sa pagde-date, di ba?

“Di ko rin kasi kaya yung parang makapag-experiment lang. Nasa type ko pa rin.

“Mga non-showbiz talaga, although may trinay akong taga-showbiz, pero di ko talaga gusto pag showbiz.

“Siguro parang naguguluhan lang din ako. Di ko kinu-close ang doors ko, ayoko lang siguro na pareho kami masyado ng mundo.

“Mayroon akong kinausap kasi, gusto ko... I’m talking about yung perspective ko. I actually asked this guy to actually write something about me, how I am as a date. So ilalagay ko rin yun.”

HOPING NEXT RELATIONSHIP IS FOR KEEPS. Inamin ni Alex na gusto niyang pangmatagalan na ang susunod na relasyon.

Saad niya, “Oo siguro. Kasi after two years of being single, parang takot din ako. Kasi gusto ko, if ever man, kung sinuman, yun na talaga.

“Ayaw ko na nang magpapalit-palit. Ayoko nang gumawa uli ng breakup book, 'no? So, dating book muna tayo.”

HANDLING BASHERS. Isa si Alex sa mga artistang naging paboritong i-bash ng netizens at patuloy pa ring nakakaranas ng pamba-bash.

Ayon kay Alex, nakasanayan na at tanggap na niyang parte ng buhay nilang mga artista ang bashers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di talaga maiiwasan na minsan may naiimbento silang bagong pakulo sa iyo para maapektuhan ka, pero mai-immune ka rin.

“So far sa mga binabato naman nila, nai-immune naman ako,” pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN