Piolo Pascual happy for success of historical film Heneral Luna: ??Para sa atin naman 'yan, e.??

Piolo Pascual on the unexpected success of historical film Heneral Luna: "These are films na masasabi nating talaga para sa atin. Di naman ito ginawa para pansarili, para ito sa bayan."


Marami ang nagulat sa mga sexy scenes nila Piolo Pascual at kaparehang si Rhian Ramos sa pelikulang Silong.

Ayon sa aktor, walang problema sa kanya ang ganitong kaselang mga eksena basta kailangan talaga sa istorya at script.

“Sa edad ko ba namang ito?

“I have so much respect for my craft. If I have to do what I have to do, I’ll do it because it’s needed in the script.

“Otherwise, di ko naman gagawin yun para mag-show off. Kung para sa istorya, gagawin ko talaga,” lahad niya.

HAPPY OVER SILONG. Sinabi din ni Piolo na masaya siya sa naging pagtanggap ng mga manonood sa Silong.

Napabalitang bukod sa pagkakaroon nito ng foreign distribution, isasali rin ang Silong sa film festivals abroad.

Dagdag ni Piolo, “I’m happy with all the reactions we got from the audience. I saw it myself.

“It served its purpose. We're done with the commercial run here, so foreign distribution naman and festivals abroad.

“I’m happy for the support of Star Cinema and being given so many theatres at the same time, so okay na yun.”

MOVIE WITH JOHN LLOYD. Tinatapos ni Piolo ang pelikulang pagsasamahan nila ni John Lloyd Cruz. Ito'y pinamagatang Ang Hele Sa Hiwagang Hapis, at nasa ilalim ng direksyon ni Lav Diaz.

Kuwento ni Piolo, “Direk Lav I think is done editing. He edited it in New York. He’s back so we will have a reunion one of these days.

“I saw the teaser [which] they sent me through e-mails. Very interesting and I’m excited to watch it, pero next year pa yun. Next year pa lalabas yun.”

HAPPY FOR HENERAL LUNA'S SUCCESS. Balitang umabot na sa P200 million ang kita ng pelikulang Heneral Luna, at tila nabawi na ng producers nito ang P80 million na puhunan sa proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Piolo, mahalagang naipapalabas ang ganitong klaseng mga pelikula na tumatalakay sa kasaysayan nating mga Pilipino.

Pagmamalaki niya, “Dapat naman, para sa atin naman ‘yan, e.

“Kung henerasyon mo tapos di mo napanood, di kumpleto ang buhay mo.

“These are films na masasabi nating talaga para sa atin. Di naman ito ginawa para pansarili, para ito sa bayan.

“It’s about time to trace our roots again at the same time support our very own kasi Heneral Luna is a national figure, he’s a hero so to speak.

“I guess maraming di nakakaalam, especially ako.

“Para ma-remember ka lang, ma-remind ka lang about your history so anything that has to do with our history, dapat di pinapalagpas.”

SUPPORT FOR GROWTH OF INDIE FILMS. Kakaibang satisfaction ang nakukuha ni Piolo sa paggawa ng indie films tulad ng Silong at OTJ.

“In a sense, it’s kind of a paying forward to the industry.

“At same time, giving breaks to the people who deserve to be given a chance in this business.

“Di naman kasi puwede na tayu-tayo na lang, paikut-ikot. There are also good writers, good directors, good production people.

“Masarap kasi na malaki ang playground mo, yung space mo to experiment and explore,” pahayag pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN