Karylle approves of mom Zsa Zsa Padilla's engagement to Conrad Onglao

Karylle mum on mom Zsa Zsa Padilla's wedding plans: “Ayoko na ako ang mag-a-announnce. I’ll leave that to the bride and groom.”


Aprubado ni Karylle ang nakatakdang pagpapakasal ng kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla sa arkitektong si Conrad Onglao.

Nauna nang ibinahagi ni Zsa Zsa ang tungkol sa engagement nila ni Conrad, na naganap bago sila lumipad patungong London noong August 30.

Read: Zsa Zsa Padilla engaged to architect boyfriend Conrad Onglao

Ayon kay Karylle, ipinaalam sa kanya ni Conrad ang plano nitong mag-propose ng kasal sa kanyang ina.

Kuwento ng Kapamilya singer-TV host, “Nagkita-kita kami after niya mag-London.

"Nagkita kami sa Paris, kasi si Yael [Yuzon, Karylle's husband] naman ran his first marathon in France.

“And nakakatuwa kasi they’re seeing where they want to get married.

“The other day we had dinner...

“I’m really really happy for the two of them.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karylle sa Promil Pre-school I-Shine Talent Camp Season 4 press launch noong September 30.

Tinanong ng PEP si Karylle tungkol sa sinabi ni Conrad na gusto nila ni Zsa Zsa na idaos ang kanilang kasal sa Florence, Italy.

Read: Zsa Zsa Padilla, Conrad Onglao to wed in Italy in 2016

Sabi ni Karylle ukol dito, “O, di ikaw mag-announce.

“Ayoko na ako ang mag-a-announce. I’ll leave that to the bride and groom.”

Itinanggi rin ni Karylle na siya ang napiling matron of honor ng kanyang ina.

Aniya, “No. Should I be hurt? Kidding! Ang dami niyang sisters.”

Kung anu’t ano pa man, nilinaw ni Karylle na boto siya kay Conrad lalo pa’t nakikita ng It’s Showtime host kung paano nito alagaan ang kanyang ina.

“Tito Conrad is very considerate, he’s very thoughtful.

“He showed me the ring kahit picture lang, sini-share niya yung mga preparations niya for the surprise [noon],” sabi ni Karylle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN