Enrique Gil learns from airplane incident; admits he can't stop anybody from adding their version to the story

Enrique Gil puts airplane incident behind him: “You just own up to it and move on. Sana lahat na ng tao, mag-move on na dito.”


Naka-move on na raw si Enrique Gil sa kontrobersiyal na airplane incident na kinasangkutan niya habang papunta ang grupo ng ASAP sa London noong Setyembre.

Read: PEP EXCLUSIVE. Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano

Sabi ng Kapamilya actor, “I’m good. Okay na ako.

"Okay na ang lahat. Matagal na yun.

“Sa fans, kay Liza [Soberano, his loveteam partner], maraming salamat.

"Yung mga nangyari, sa iba, di pa tapos, pero tapos na, tapusin na natin."

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Enrique sa pictorial ng pelikulang Everyday I Love You last week ay humingi ulit siya ng paumanhin.

“I want to make a general apology.

"Marami kasing stories na lumalabas na dumadagdag sa story.

“Ayoko nang pumunta sa details. Wala na naman tayong magagawa.

“Ang daming lumalabas na changes sa story.

"Sabi ni Tita Mariole [Alberto, Star Magic head], ‘Just say sorry.’

"Yun, nag-sorry ako."

Hindi rin siya iniwan ng kaparehang Liza Soberano sa gitna ng mabigat na kontrobersiya na kinasangkutan nito.

“Kasi nandoon siya. Nakita naman niya ang lahat.

"So, ayun, basta hindi kami nagsisinungaling," diin ni Enrique.

SETTLED IN LONDON. Sinabi rin ni Enrique na sa London pa lamang ay humingi na siya ng tawad sa mga taong nasangkot sa insidente.

“Beforehand, I really said sorry to everybody.

“So, tapos na dapat ito.

"Pero hindi ko alam kung bakit lumalaki. Ang daming dumadagdag.

"Akala ko tapos na ito, pero parang lumalaki yung story.

"Sa London pa lang, tapos na."

Sa kabilang banda, sinabi ni Enrique na marami siyang natutunan sa mga nangyari.

“You learn from what you do.

"Whatever you do, siyempre kayo lang ang nakakaalam nun.

“There are also other stories na dadagdag. Ang dami nang bago, ang daming bersiyon, ha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But you can’t really do anything to stop it. That’s what other people will do.

“You just own up to it and move on.

"Sana lahat na ng tao mag-move on na dito."

Sa kabila ng sinabing ito ni Enrique, tila hindi pa rin nakaka-move on ang isa sa nakaengkuwentro niya sa eroplano na si Jessy Mendiola.

Bagamat nakabalik na sila sa Pilipinas ay nagpahiwatig si Jessy sa kanyang Instagram account na masama pa rin ang loob niya sa pangyayari.

At maging ang kanyang ina ay nagbanta sa mga tagasuporta ng LizQuen loveteam na mapipilitan silang magsalita kapag hindi tumigil ang mga ito sa pamba-bash kay Jessy.

Read: Jessy Mendiola’s mother advises her to stay strong: “Even the whisper of your voice is enough to make you strong if you are right.”

Hinamon din siya ng boyfriend ni Jessy na si JM de Guzman sa isang mixed martial artis fight.

Read: JM de Guzman challenges Enrique Gil to MMA fight: "Man up. Face me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN