Anne Curtis and boyfriend Erwan Heussaff are already talking about marriage

Anne Curtis on starting a family: "Hindi naman ako papayag na 34 ako, wala pa rin akong anak. Ano 'to? So, hindi puwede."


Sigurado na ang paglipad ni Anne Curtis sa susunod na taon para sa kasal ng kaibigang si Solenn Heussaff, kapatid ng boyfriend niyang si Erwan Heussaff, sa Argentinian businessman na si Nico Bolzico.

Sabi ng Kapamilya actress-TV host, “So, we’re all travelling next year. Nakaka-excite.

"Hindi naman ako magbi-break. I’m allowed naman a month of break.

"I always think na lagi akong nawawala, pero because of Showtime, kailangan two weeks-two weeks.

"Hindi na puwede ang one-month whole."

Hindi pa raw sigurado si Anne kung ano ang magiging part niya sa wedding nina Solenn.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anne matapos ang live telecast ng It's Showtime sa Alonte Sports Stadium, sa Biñan, Laguna, noong October 3.

NOT ENVIOUS OF SOLENN. Hindi ba siya naiinggit kay Solenn?

Limang taon na ang relasyon ni Anne kay Erwan.

“Hindi naman,” nakangiting sagot niya.

Bakit pinatatagal pa ang kasal, gayong tiyak namang hindi makakasira sa career niya ang paglagay niya sa tahimik?

Sagot ng 30-year-old actress, “Hindi naman.

"I guess kasi it’s more of like when you are both career-driven, we know when that right time will happen...."

Napag-uusapan na ba nila ni Erwan ang kasal?

“Oo, naman. Hindi naman ako papayag na 34 ako, wala pa rin akong anak. Ano ‘to?

"So, hindi puwede.

“Ano naman, for now, we both wanted to concentrate on our career,” sabi ni Anne.

Marriage proposal na lang ba ang hinihintay niya?

“Huwag muna. Darating din naman 'yan pag sa tamang panahon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN