Anne Curtis on bashers of It's Showtime: "Whatever is your flavor, that’s what you’ll enjoy."

Anne Curtis on new movie: "Hindi ko pa yata puwedeng sabihin [ang detalye] but it will be with Paulo Avelino."


Enjoy raw si Anne Curtis sa paghu-host ng daily noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime.

“Sinasabi ko nga, that’s one of the things I’ve learned here in Showtime, how fun hosting can be.

“Siyempre, before this, yung mga hosting stints ko very formal, mga awards night.

"Here, it’s having fun. You don’t feel like it’s a job."

Hindi ba sila nagkakapikunan minsan ng kapwa niya hosts dahil sa mga biruan nila?

Sagot ni Anne, “Hindi. Kapag nagpapasikat weekly doon, nagkakapikunan.

"Kasi stressed lahat, tapos concept...

"'Kailan ba tayo magri-rehearse?' Mga ganyan.

“Pero other than that, wala, family talaga.”



BASHERS. Sa palagay ba ni Anne ay dumami ang manonood ng It's Showtime dahil sa bashers ni Miss Pastillas at sa kissing scene nina Vice Ganda at Karylle sa anniversary celebration ng show?

Tugon ni Anne, “Well, I guess to each his own talaga.

"Whatever is your flavor, that’s what you’ll enjoy.

“Siyempre, may mga negative, pero may mga sobra namang kilig. May mga sobrang nakaka-relate.”

Paano hinaharap ni Anne ang bashers niya?

“Wala. Ako pa? E, sanay na sanay ako sa mga ganoon.

"Wala na nga 'yan sa akin.

“I think I’ve seen the worst already.

"And now’s the time to really dedma lang. Masaya," sabi niya.

BACK TO ACTING. Pero aminado si Anne Curtis na nami-miss na rin niya ang pag-arte.

Ang huling acting project niya ay ang teleseryeng Dyesebel at ang pelikulang The Gifted, na parehong ipinalabas noong 2014.

Sabi ni Anne, “Nakaka-miss din siya.

"And, at the same time, when I did Dyesebel, it was every day, parang na-miss ko namang mag-Showtime."

Pero sigurado na ang pagbabalik-pelikula ni Anne sa isang project na ididirehe ni Ruel Bayani.

Sabi ni Anne, “Hindi ko pa yata puwedeng sabihin [ang detalye], but it will be with Paulo Avelino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-start na ako, one day, first day pa lang.”

Totoo bang hindi siya nabibigyan ng teleserye dahil babad na siya sa It's Showtime pa lang?

Paglilinaw ni Anne, “Hindi naman.

"For me kasi, after Dyesebel, it was everyday hand-to-mouth, di ba? Parang nawala ako sa Showtime.

“It was hard for me at that time because it was every day, from what time to what time in the morning.

“So, napagod ako.

"So, when I got offered to do a teleserye, sabi ko, huwag na lang muna.

"Nag-decline na lang muna ako to do a teleserye."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN