Karylle on bashers: "Na-sad lang ako na, at this day and age, bashers and haters are the words we hear every day."

Karylle on husband Yael Yuzon: "Yael is very open-minded. He grew up with theater actors. Yung mga kapatid niya, siya, nagti-theater talaga."


Inamin ni Karylle na nalungkot siya sa pagsiklab ng isyu tungkol sa paghalik sa kanya ni Vice Ganda sa labi sa spot number ng komedyante sa nakaraang kick-off sixth anniversary celebration ng It’s Showtime sa Smart Araneta Coliseum last September 26.

Read: Vice Ganda kisses Karylle on the lips twice during Showtime Kapamilya Day

Umani ng maraming batikos at iba’t ibang reaksiyon ang halikang ito nila Vice at Karylle.

Nadamay pati ang asawa ni Karylle na si Yael Yuzon, na pinutakti ng mga tanong mula sa Twitter followers.

Nagpahayag ng kanyang saloobin si Karylle sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa second leg ng anniversary celebration ng It's Showtime sa Alonte Stadium, Biñan, Laguna noong Sabado, October 3.

Saad niya, “Na-sad lang ako na, at this day and age, bashers and haters are the words we hear every day, like more than once every day.

“I just feel na, siyempre, bumabalik yun sa iyo, e.

"I would like everyone to have a happy life."

Nagpapasalamat naman si Karylle na ipinagkibit-balikat na lang ni Yael ang bashers nila ng misis niya.

Sabi ng singer-actress, “Kasi si Yael is very open-minded.

"He grew up with theater actors. Yung mga kapatid niya, siya, nagti-theater talaga."

Pinag-usapan ba nila ni Yael ang mga nangyari?

“Hindi. Wala na.

"I mean, sinasabi ko nga palagi na I’m so thankful I have a husband who understands my work.

“Ganun siya. Hindi makitid ang isip.”

ROLE PLAYING. Naaliw ang ibang tao sa kissing scene nina Karylle at Vice dahil para raw itong role-playing sa pelikula.

Komento ni Karylle, “It’s acting, yes.

"It was actually a live music video.

"Pero siyempre, siguro kung mas clear yun, baka mas ma-accept. Yun lang naman.”

Masasabi ba ni Karylle sa sarili na, at least, nagkaroon ng impact ang segment na iyon ng kanilang programa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Hindi naman.

"Basta kami, we always have 'Sine Mo To.' Nami-miss ko na nga yun.

“So, ngayon, pa-live music video na ang labanan.”

WAITING FOR RIGHT PROJECT. Samantala, nami-miss ba ni Karylle ang acting?

Sagot niya, “I do.

"Naghahanap pa rin ng right project. Minsan may mga dumarating.

"Siyempre, ang tagal kong hindi umaarte.

"So, hinihintay ko yung talagang magandang-magandang-maganda.

“May mga dumarating din, sa theater din, kaya lang wala pa ring time.”

May limitations ba si Karylle sa pagtanggap ng role?

“Wala naman. Kaya lang I just wanna do something good, you know what I mean?

“Na-miss ko ring umarte, pero hindi naman ako gagawa ng any project.

"Or minsan hindi ako pinapayagan dahil hindi puwedeng sabay-sabay sa Showtime.

"Kasi ang dami ring nagsu-soap. So, hindi puwedeng sabay-sabay na nagsu-soap."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN