Piolo Pascual to endorse a presidentiable in 2016 elections

Piolo Pascual on his ideal President: "Huwag lang corrupt. Kasi pagod na pagod na tayo sa mga corrupt, e. At saka yung may tapang, at saka yung may paninindigan, yung kayang ipaglaban ang bansa kahit ikamatay niya. I mean it's for our country anyway."


Aminado si Piolo Pascual na may mga partido at pulitiko nang humihikayat sa kanya para tumakbo sa 2016 elections.

Pero wala raw sa plano niya ang pasukin ang mundo ng pulitika.

Pahayag ng Kapamilya actor, “Mayroon [humihikayat], pero wala sa utak ko iyan, e.

“Ayoko, mas maganda na yung plataporma natin sa industriya [showbiz], you know, we can help in our own little way.

“At saka masyadong magulo, wala yata sa plano ko, sa pangarap kong maging pulitiko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Piolo sa presscon ng SunPIOLOgy Run 2015 na ginanap noong Oktubre 6, Martes, sa Max’s restaurant sa Scout Tuazon, Quezon City.

Wala man planong tumakbo sa eleksyon, sigurado naman ang pagtakbo ni Piolo sa SunPIOLOgy Run 2015, na taun-taong isinasagawa ng aktor sa tulong ng ineendorso niyang Sun Life Financial at Run Rio.

Magaganap ang SunPIOLOgy Run, na may temang Kick Diabetes, sa November 28 sa McKinley West sa Fort Bonifacio.

Kalusugan at edukasyon ang itataguyod ng SunPIOLOgy sa ika-pitong taon nito, kung saan ang beneficiaries ay ang Institute for Studies on Diabetes Foundation Inc., Lingkod Kapamilya, at Hebreo Foundation.



WILL BE ENDORSING A CANDIDATE. Hindi man bukas si Piolo sa pagpasok sa pulitika, handa naman daw siyang mag-endorso ng mapipili niyang kandidato para sa 2016 elections.

Kaya may mga kinakausap na raw siyang kandidato para alamin ang kanilang mga plataporma.

Saad ni Piolo, “Opo, mayroon [akong ieendorso].

“It’s crucial, e, this election is crucial para sa bayan natin.

"And I wanna be able to use my influence para at least magamit naman natin ang tamang paraan ng pagkakampanya sa gusto natin.

“It will define the next six years of the Philippines, economy-wise, and it's important for us to know who are we gonna vote for.

“So I've been doing dinners with different politicians, so I would know kung ano ang mga plataporma nila and kung sino ang ikakampanya natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mga presidential candidates ba ang kinakausap niya?

Sagot ni Piolo, “Yes, mga presidentiables.

“So, yun, I hear them out, I have dinners with them.

“Then I asked the questions I wanna raise, you know, on behalf of the people who would want to know also.

“And siyempre, kinabukasan ng pamilya yun, kinabukasan ng mga bata iyan, so importante talaga na tama iyong mailuklok natin.”

May napupusuan na ba siyang iendorso?

“Mayroon naman po.

“Pero I am still weighing things because I would start campaigning next year na, siguro sa tailend ng election, kasi mas nagma-matter iyon, e.

“Sa ngayon, hayaan na muna natin silang magsabi ng mga adhikain nila.

“Pero siyempre lalabas at lalabas iyan bago mag-eleksyon.”

Pero mas kanino siya kumikiling?

Ayon kay Piolo, “In all honesty, lahat sila naman may magagandang adhikain, e, pero ang importante talaga ay yung tama.

“So, wala pa akong kinikilingan na kahit sino.

“For me, I would want to hear them out first.

“I want to use this influence that I have to campaign for the right person.”

QUALITIES. Anong mga katangiang hinahanap niya para sa kanyang ieendorsong kandidato?

Sagot ni Piolo, “Huwag lang corrupt. Kasi pagod na pagod na tayo sa mga corrupt, e.

“At saka yung may tapang, at saka yung may paninindigan, yung kayang ipaglaban ang bansa kahit ikamatay niya.

“I mean it's for our country anyway.

“That’s why I guess kaya naging big hit ang Heneral Luna, it's a wake-up call for us because it's been happening for the longest time.

“So, it's time for us to stand and really protect our rights and protect our country also.”

Tatanggap ba siya ng talent fee?

Sagot ng aktor, “No, I won’t.

“I never accepted any endorsement fee for anybody I endorsed even before.

“Parang ako, ano ko iyon, e, karapatan ko yun at hindi ko gagamitin ang pera para mai-advance ang isang politician.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I would do it because I believe in the person.”

Pero kung magagamit naman niya sa kanyang Hebreo Foundation?

Sabi ni Piolo, “Not even.

“I would endorse someone na papaniwalaan ko na magiging karapat-dapat sa posisyon, pero walang kasamang pera.

“Hindi naman kailangan yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN