Joey de Leon reaches one million followers on Twitter

Si Joey de Leon ang ika-apat na miyembro ng Eat Bulaga! na nagkaroon ng mahigit one million followers sa Twitter; pagkatapos nina Alden Richards, Maine Mendoza, at Sam YG.


Umabot na rin sa isang million ang followers sa Twitter ng veteran comedian-TV host na si Joey de Leon ngayong araw, October 7.

Si Joey ang ika-apat na miyembro ng Eat Bulaga! na nagkaroon ng mahigit one million followers sa Twitter; pagkatapos nina Alden Richards, Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub, at Sam YG.

Naging aktibo sa Twitter si Joey mula nang pumutok sa publiko ang AlDub loveteam nina Alden at Maine at ang Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Si Joey ang pinakamasigasig na Eat Bulaga! host na nagtu-tweet tungkol sa AlDub at Kalyeserye.

Malaking bahagi marahil ng pagkakaroon ng one million followers ni Joey sa Twitter ang kampanyang isinagawa ni Michael V—ang #1millionforjoey.

At pagkalipas ng ilang araw ay nagtagumpay si Michael sa kanyang kampanya.

Nagpasalamat naman si Joey sa lahat ng kanyang followers sa pamamagitan ng Twitter:

Starzan, salamat! pic.twitter.com/x38g8TJ4US

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) October 7, 2015

Ang official Twitter account ng Eat Bulaga! ay mayroon namang 1.52 million followers.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN