Rochelle Pangilinan says boyfriend Arthur Solinap has set their wedding date

Rochelle Pangilinan and boyfriend Arthur Solinap are in the seventh year of their relationship, and she affirms their bond is stronger than ever. Rochelle says, "Palagi naman kaming solid; actually, mas tumatagal, mas nakakatuwa. Mas nakikilala namin ang isa’t isa."


Habang dumadaan ang taon, tila mas lalong nagiging solido ang relasyon nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap.

Puwedeng isiping kasal na lang ang kulang sa relasyon ng magkasintahan.

Ayon kay Rochelle, “Nag-seven years na kami noong August, matatag naman.”

Nasa seven-year itch na pala sila ngayon sa kanilang relasyon?

“Totoo ba yun?” nakangiting tanong ng dancer-actress.

Ganoon sila katatag sa isa’t isa?

“Actually, maraming nagsabi na ganun nga raw.

"Tinanong ko siya [Arthur], ‘Naniniwala ka ba?’

“Sabi niya, ‘Hindi, kasi maniniwala ka, naaalala mo yung sabi ni Pastor, hindi ka napunta sa isang sitwasyon dahil wala lang.

“‘Nandoon ka sa isang sitwasyon o lugar dahil meron kang reason kung bakit ka nandun, di ba?’

“Kaya hindi siya naniniwala dun,” pahayag ni Rochelle nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa opening ng Stockpile Restaurant sa Ortigas Center.

WEDDING TALKS. Hindi naman itinanggi ni Rochelle na napag-uusapan na nila ni Arthur ang kasal.

Pero sabi nga niya, “Ayokong i-touch ang part na ‘yan kasi siya ang makakasagot niyan.

“Napag-uusapan lang namin kung saan kami titira, kung saan mag-aaral ang anak, kung kailan ikakasal.

“Pero yung kung kailan siya magpu-propose, siyempre hindi.”

Kailan daw sila ikakasal?

“May sinabi siya pero hindi ko sasabihin!” natawang sagot ni Rochelle.

Kung sabihin ni Arthur na pakasal na sila anumang oras, handa ba naman siya?

“Hindi na kami bata,” sambit ni Rochelle.

So, proposal ni Arthur na lang talaga ang hinihintay niya?

Paglilinaw ng dating miyembro ng SexBomb, “Hindi ko naman siya hinihintay.

"Sabi niya nga, 'Kasal man kami ngayon, tapos hindi kami magkakaanak or whatever or anuman...'

"Nasa proseso ni God yun, e, hindi ako naiinip.”

Kung may isa man daw sigurado si Rochelle, ito ay kasal muna bago ang pagkakaroon ng anak.

“Oo, dapat.”

HAPPY FAMILY. Marami na rin naman daw pinagdaanan ang relasyon nilang dalawa kaya naniniwala si Rochelle na mas solid pa sila ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Palagi naman kaming solid; actually, mas tumatagal, mas nakakatuwa.

“Mas nakikilala namin ang isa’t isa, like yung mga simpleng topak na dati wala lang, ngayon mas nagkakaroon na.

“'A, kilala ko na ‘to, a!' Nakita na niya ako.

“Like, binanggit niya sa akin noong nasa Singapore kami, ‘Yung ugali mo nga pala, ‘no, kung saan maraming tao, nandun ka.’

“Naiintriga ako, 'Anong meron, bakit maraming tao?'

“Kung nawawala ako, makikita niya ako dun, kung saan maraming tao!”

Dalawang beses na raw silang nakalalabas ng bansa, kasama ang mga magulang nila; sa Hong Kong noong una at sa Singapore kamakailan nga.

Hindi pa sila mag-asawa ay nakakasama na nila ang mga magulang nila sa lakaran.

Ayon kay Rochelle, “Masaya kasi hindi namin alam kapag nagkaanak na kami, like Jolina [Magdangal] and Mark [Escueta],

“Yung attention baka… of course, pagkapanganak, siyempre kapag malaki-laki na siya, saka kami aalis ulit.

“Ayoko na aalis kami na baby pa lang, then iiyak sa eroplano.

“Baka mas mauna akong umiyak.

"So, alam niyang kapag manganganak ako, matatagalan bago kami umalis."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN