Rochelle Pangilinan happy for Alden Richards: "Siya yung klase ng taong karapat-dapat i-bless."

Rochelle Pangilinan on revitalized Eat Bulaga: “Namamayagpag ulit sila ngayon, ang galing-galing ng Eat Bulaga. Sabi ko, anytime na gusto nilang mamayagpag, namamayagpag sila. Naging part ako nun, nakaka-proud, ang sarap!”


Bilang isang Kapuso, masaya raw si Rochelle Pangilinan sa kasikatan ngayon ni Alden Richards.

Nakasama ni Rochelle ang Pambansang Bae sa teleseryeng Carmela (2014) at musical-variety show na Sunday All Stars.

Sabi niya tungkol kay Alden, “Nakaka-proud!

"At saka si Alden, hindi nagbabago, in fairness.

“Ang tawag niya sa akin, 'Madam.' Kasi ang tawag ko sa kanya, 'Sir.'

“Noon pa yun at hanggang ngayon, ganun pa rin kami.

“Palagi kaming nagtatanungan."

Kuwento niya, "Kasi sa December, may series of shows kami.

“Sabi ko sa kanya, 'Dapat noong January, noong tinanggap natin ang raket na ‘to, magsu-show talaga tayo. Pero ngayon, tatayo ka na lang.'

“Tapos sabi niya, ‘Huwag naman, Madam!’

"Nakakatuwa itong batang ‘to.

“Kaya siya bini-bless, kasi siya yung klase ng taong karapat-dapat i-bless.

“Mabait sa pamilya, walang tinapakang tao, walang galit sa kanya.

"Lahat love niya kaya love siya ng lahat."

EAT BULAGA! Nagsimula si Rochelle sa showbiz bilang miyembro ng SexBomb Girls ng Eat Bulaga.


Kaya masaya raw siya para sa kasikatan ngayon ng Kalyeserye at ng AlDub loveteam nina Alden at Maine Mendoza.

Aminado si Rochelle na isa rin siya sa kinikilig sa Aldub.

“Actually, sinabi ko nga sa mga kaibigan ko, si Kuya Wally [Bayola], kung series man itong talag... naniniwala kasi akong series siya.

“Ang galing-galing ni Kuya Wally, sobrang galing niya, nakaka-proud!

“Namamayagpag ulit sila ngayon, ang galing-galing ng Eat Bulaga.

“Sabi ko, anytime na gusto nilang mamayagpag, namamayagpag sila.

“Naging part ako nun, nakaka-proud, ang sarap!”



MOTHER ROLE. Hindi naman nagdalawang-isip si Rochelle na tanggapin ang role bilang nanay ni Miguel Tanfelix sa upcoming drama series ng GMA Network na Wish I May.

Sabi ng Kapuso actress-dancer, “Hindi, wala, trabaho ‘to, e, bakit ko tatanggihan?

“Puwede akong, sa susunod, kontrabida sa ibang dahilan.

“Ngayon, kontrabida ako, dahil dito, hindi naman ako kontrabida na wala lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, tanggap nang tanggap dahil alam kong may matututunan ako rito.”

May kaya sa buhay na lasenggera raw ang kuwento ng karakter niya sa Wish I May.

Wala raw kaso sa kanya kung hindi naman masyadong malayo ang agwat ng edad nila ni Miguel, 17.

Sabi ng 33-year-old actress, “Magaling naman yung bata at yun naman ang uso.

“Maraming nakaka-relate na bata ang naging ina, maraming nakaka-relate sa ganun, so bakit hindi?”

Matagal-tagal din bago nasundan ng bagong teleserye ang huling ginawa niyang Ang Lihim ni Annasandra.

Hindi naman daw siya nakaramdam ng pagkainip.

Sabi ni Rochelle, “Marami namang TV guesting, hindi ako nainip kakahintay.

“Actually, hindi rin naman ako nagtanong kay Mama Perry [Lansigan, her talent manager].

“Marami namang TV guesting, nag-Mapakailanman ako, Imbestigador, Maynila...

“Kailan lang, nag-Sunday Pinasaya, dire-diretso naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN