Alden Richards thanks Kris Aquino for supporting AlDub

Alden Richards on Kapamilya stars who watch Kalyeserye: “Masaya po, parang at least marami ring nakaka-recognize na artists kahit sa ibang istasyon... Kaya thank you po na kahit stressful po ang schedule ng mga artists na ‘to, nabibigyan din namin sila ng panandaliang kaligayahan kahit two hours lang sa Eat Bulaga.”


Nakarating kay Alden Richards ang balitang napapanood daw ni Kris Aquino ang AlDub sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Nagpapasalamat si Alden dahil sa sinabi ni Kris na masaya siya sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng Kapuso heartthrob.

Natuwa ang Pambasang Bae dahil nababaitan ang Queen of All Media sa kanya.

Read: Kris Aquino admits watching AlDub, but still loves Vice Ganda

Ayon kay Kris, sa studio ng Eat Bulaga! sila nagkakilala ni Alden noong 2013.

Pero sa pagkakaalala ni Alden, nagkakilala sila ni Kris nang magkita sila sa awards night ng Metro Manila Film Festival noong 2014.

Kuwento ng Kapuso actor-TV host sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nag-present po ako ng award nun, tapos papunta po ako ng CR.

“Tapos nadaanan ko po ang dressing room ni Madam [Kris], tinawag po niya ako.

“Siyempre, Kris Aquino po yun, nakakahiya naman.

“Pumunta po ako, nagpakilala.

“Mabati din po si Madam, e.

“Very nice, very accommodating po nung tinawag niya ako.

“I introduced myself, then ipinakilala po niya ako kay Josh saka kay Bimby.”

Sambit pa ni Alden, “Thank you, Madam. Thank you sa support.”



KAPAMILYA ALDUB FANS. Bukod kay Kris, nababalitaan din daw ni Alden na may ilan pang mga artista mula sa ABS-CBN na sinusubaybayan ang kuwento ng AlDub sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

“Meron po akong naririnig na few artists, pero ayoko na lang po i-namedrop for confidentiality.

“Pero siguro po, wala naman po sigurong masama dun.

“Siguro nag-e-enjoy rin po sila na pinapanood nila kami.”

Patuloy pa ni Alden, “Kami naman po, wala naman po kaming competition sa isip namin.

“Kaya po namin ginagawa ‘to is for the people na mag-enjoy sila, para kiligin, para matuwa.

“At higit sa lahat, maiwanan po namin sila ng mga lessons na mabalik ang dating gawi ng mga Pilipino.”

May nagpaparating din sa kanyang ilang artista na fan sila ng sikat na loveteam nila ni Maine Mendoza, ang AlDub.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Reaksiyon dito ni Alden, “Masaya po, parang at least marami ring nakaka-recognize na artists kahit sa ibang istasyon.

“Kami naman po, ang main purpose lang naman po namin is makapagbigay ng kaligayahan sa lahat ng tao.

“Kaya thank you po na kahit stressful po ang schedule ng mga artists na ‘to, nabibigyan din namin sila ng panandaliang kaligayahan kahit two hours lang sa Eat Bulaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN