Alden Richards on possibility of real-life romance with Maine Mendoza: "Malay po natin, in the future."

Alden Richards on Maine Mendoza: “Feeling ko, kapag nabigyan ako ng chance na makilala si Maine, feeling ko masarap siyang kasama, e. Walang dull moments. Kasi parang yung pagiging masayahin niya, pagiging comedian niya, nasa dugo, e. Nag-manifest sa ginagawa niya sa ginagawa niya sa Kalyeserye. Kaya feeling ko, kapag magkasama kaming dalawa, enjoy lang.”


Ilang araw nang hindi napapanood ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa Eat Bulaga.

Mula nung Martes kasi ay sunud-sunod ang mga personal appearance niya sa iba’t ibang lalawigan, at kasagsagan na rin ng shooting para sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na My Bebe Love.

Noong Martes, October 6, ay nasa Camarines Sur si Alden para sa event ng Gabay Guro roon.

Pagbalik ng Maynila ng umaga ng Miyerkules, October 7, tumuloy siya sa shooting ng My Bebe Love.

Kinagabihan naman ay may appearance din ang 23-year-old actor-TV host sa Bataan.

At ngayong araw, October 8, ay nasa Zamboanga naman siya.

Pagbalik daw ng Maynila ay diretso na si Alden sa Japan, kung saan mayroon silang show ni Ai-Ai delas Alas sa October 11.

Aminado si Alden na nami-miss niya ang Kalyeserye.

Nakasanayan na raw niya ang ginagawa nila ni Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub. Doon lang daw kasi sila nagkakaroon ng komunikasyon.

Hindi naman daw sila nag-uusap o kahit nagti-text sa isa’t isa.



FROM REEL TO REAL? Ayon kay Alden, hindi niya isinasara ang posibilidad na maging totohanan na ang pagtitinginan nila ni Maine.

“Ako naman, since before, I’m not really closing my doors to possibility like that.

“And malay po natin, in the future,” nakangiting sabi ni Alden sa panayam niya para sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at CelebriTV.

Hindi pa raw niya nakikilala nang husto si Maine, kaya sana ay magkaroon daw ng pagkakataong magkakilala sila nang mabuti.

Sabi ni Alden, “Feeling ko, kapag nabigyan ako ng chance na makilala si Maine, feeling ko masarap siyang kasama, e. Walang dull moments.

“Kasi parang yung pagiging masayahin niya, pagiging comedian niya, nasa dugo, e.

“Nag-manifest sa ginagawa niya sa ginagawa niya sa Kalyeserye.

“Kaya feeling ko, kapag magkasama kaming dalawa, enjoy lang.”

Nagpasalamat din si Alden sa pagpahayag ng concern ni Maine sa kanyang kalusugan dahil sa nagkakasakit na siya sa dami ng ginagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Maine Mendoza expresses concern about Alden Richards's health

“Kasi po napupuna nila sa Broadway na minsan po, nasal ako, minsan may ubo.

“So, parang paalala lang na hinay-hinay lang sa trabaho.

“Pero thank you, thank you sa concern,” may pakindat na pahayag ni Alden para kay Maine.

Wala man ngayong araw si Alden sa Eat Bulaga! para sa 12th weeksary nila ni Yaya Dub, mayroon naman siyang special Dubsmash message na kanyang ipinost sa Instagram:

...maghintay ka lamang ako'y dadating. #ALDUB12thWeeksary

A video posted by Alden Richards (@aldenrichards02) onOct 7, 2015 at 11:37pm PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN