Kris Aquino clarifies her decision to pull out of MMFF movie has nothing to do with Mayor Herbert Bautista

Kris Aquino explains why her movie with Herbert Bautista won't push through: “Actually kasi, nagkaproblema kami sa DOP [director of photography]. Kasi yung DOP for Etiquette for Mistresses, yun ang nire-request ko talagang DOP o cinematographer ko para dun sa movie."


Ipinaliwanag ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang dahilan kung bakit umurong siya sa pelikulang pagtatambalan sana nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Ito ay ang All You Need Is Pag-ibig na entry sa 2015 Metro Manila Film Festival (2015).

Read: Kris Aquino apologizes for dropping out of MMFF movie with Mayor Herbert Bautista

Saad ni Kris, “Actually kasi, nagkaproblema kami sa DOP [director of photography].

"Kasi yung DOP for Etiquette for Mistresses, yun ang nire-request ko talagang DOP o cinematographer ko para dun sa movie [namin ni Herbert].

“Maiintindihan ninyo naman ako dahil talagang inaalagaan ako dun sa shoot [ng Etiquette for Mistresses].

"Parang ine-explain ko sa kanila na, 'Dun na nga sa story na ginawa ninyo, ako na nga yung babaeng laging hindi pinipili, babaeng inayawan.

“'Di ba ninyo kayang ibigay sa akin na sa movie naman pagandahin ninyo ako, para pag nanonood naman ang mga tao, sasabihin nila, ‘Ano ba ‘yan? Bulag ba ang lalaking yun?’

“Hindi maayos-ayos yung sked.

"So, sinabi ko na baka lang talaga na it’s a sign from God na huwag nating ipilit ito."

Patuloy ng Kapamilya TV host-actress, “Hindi ko alam... Napagalitan nga ako sa pinost ko kagabi dahil emotional ako kagabi.

"Hurt na hurt ako.

"Pinuntahan ako ni Neil Daza [Etiquette for Mistresses cinematographer] para mag-sorry.

"So, pag-uwi ko, naiyak na lang talaga ako.

“Ang lungkot-lungkot ko na parang I want to work so badly with Direk Tonette [Jadaone].

“Sa totoo lang talaga, the whole Sunday magka-text kami. Magkausap kami.

"Ang ganda-ganda ng mga ikinuwento niyang idea sa akin, pero sabi ko, 'Bakit ganyan?

“'Ang ganda na ng kuwento, ang ganda ng cast, pero bakit hindi naman tayo makakuha ng makaka-shoot nito na magandang-maganda yung visuals?'"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Kris sa block screening ng Etiquette for Mistresses, sa Cinema 3 ng Trinoma Mall, sa Quezon City, noong Miyerkules, October 7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang nasabing block screening ay sponsored ng TV host at matalik na kaibigan ni Kris na si Boy Abunda.



REQUEST FOR FORGIVENESS. Humingi na raw ng paumanhin si Kris sa Star Cinema head na si Malou Santos dahil sa stress na ibinibigay niya sa mga ito.

“I apologized wholeheartedly to Tita Malou Santos and the rest of Star Cinema, sa lahat ng stress na ibinibigay ko sa kanila dito sa proyektong ito.

“Ayokong magsalita nang patapos, pero ka-text ko rin si Direk Tonette at nagso-sorry din siya sa akin.

“Sabi niya, sa dami ng pinagdadaanan namin, parang hindi niya rin mabuo-buo yung kuwento."

Ayon pa kay Kris, siya ang magbabayad ng penalty sa hindi niya pagkakatuloy sa pelikula.

“Aakuin ko dahil may penalty na P500,000 per person na kailangan kong ibigay sa MMDA.

"Share namin ni Bimby [Yap, anak ni Kris] yun dahil dalawa kaming nakalista.

“Yung kinita ko sa Etiquette, pambabayad ko lang sa penalty ng pelikula.

"Ganun talaga ang buhay. Siguro lesson learned."

IT'S ALL UP TO GOD. Alam ba ni Herbert ang dilemma na pinagdadaanan niya para sa pelikulang pagtatambalan sana nila?

Ayon kay Kris, “I cannot speak for him kasi ang issues ko ngayon, issues namin internally with Star Cinema, with Direk Tonette, and with the production.

"Kasi hindi naman siya ang may issue, e. Ako ang may issue."

Pinauubaya na lang daw ni Kris sa Diyos kung matutuloy o hindi ang pelikula nila ni Herbert.

“Bahala na si Lord.

"Ganito na lang, mag-abang tayo, kasi dapat talaga may first shooting day sa Monday [October 12]. Sa dami ng nangyari dito, di ba?

“Pag nag-shooting kami sa Friday, ibig sabihin nun, alam mo na, tuloy.

"Kapag hindi nag-shooting sa Friday, ibig sabihin noon, may limang block screenings akong maiikutan naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN