Cristine Reyes and Ali Khatibi set to marry in December

Bago matapos ang taon, magpapakasal na si Cristine Reyes at ang fiancé niyang si Ali Khatibi. Sinabi rin ni Cristine na may mga taga-showbiz na kasama sa kanilang entourage, kabilang na ang Queen of All Media na si Kris Aquino.


“We’re planning this year, late this year.”

Ito ang rebelasyon ni Cristine Reyes tungkol sa nalalapit na pagpapakasal nila ng kanyang fiancé na si Ali Khatibi, isang mixed martial arts athlete.

“Na-process na siya. Actually, malapit na,” dagdag naman ni Ali nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang contract signing with Viva Entertainment, nitong Biyernes ng hapon, October 9.

May petsa na ba ang kanilang kasal?

Sagot ni Cristine, “May date na rin. This December.”

Hindi naman ibinunyag ni Cristine ang eksaktong date ng kanilang kasal.

Sinabi rin ng Kapamilya actress na may mga taga-showbiz na magiging parte ng kanilang entourage, kagaya ni Kris Aquino na in-announce sa TV na magiging ninang siya sa kasal nina Cristine at Ali.

BACK TO WORK. Samantala, balik-trabaho si Cristine dahil nagsimula na siyang mag-taping para sa kanyang comeback teleserye sa ABS-CBN.

“Nag-start na ako ng taping two days ago, teleserye, and then nakatapos na ako ng movie with Viva. Going smooth naman,” sabi ng aktres.

Magtatambal muli sina Cristine at Zanjoe Marudo sa teleseryeng Tubig at Langis.

Huling nagkatrabaho sina Cristine at Zanjoe sa primetime teleseryeng Kristine Series (2010), samantalang huling napanood si Cristine sa teleseryeng Honesto noong 2013.

Sa kabilang banda, ngayong pinasok na rin ni Ali ang showbiz, sinabi ng atleta na bukas siya sa posibilidad na pasukin ang pag-arte.

“Siguro nothing far from what I do, siguro kasi I’m an athlete.

"I’ll stick to MMA [mixed martial arts], maybe an action film, if it happens," sabi ni Ali.

Sino naman sakali ang gusto niyang maging leading lady?

“No one in mind as of now, parang siguro siya muna!” natatawang sagot ni Ali, sabay turo kay Cristine na katabi habang ini-interview.

Sundot naman ni Cristine, “Wala siyang masyadong kilala kasi kaya hindi siya makapagsalita.”

Sinabi rin ni Ali na hindi naman sila nag-aalala ni Cristine kung paano aalagaan ang baby nilang si Amarah, kahit na magiging busy sila pareho sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Cristine, “I guess we could manage naman mag-work. Manageable naman with the time.

“Meron kaming yaya for her when we’re not around.

"[Pag] may work naman ako, si Ali ang nagti-take over.

"And then when si Ali naman ang may jiu jitsu class, ako naman ang nagti-take over."

Sinabi rin ng dalawa na wala silang ini-impose na limitasyon sa isa't isa, gaya ng pagkakaroon ng curfew.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN