Glaiza de Castro declares support for Senator Grace Poe

Glaiza de Castro explains why she's likely to pick Senator Grace Poe as her presidential bet: “Ever since kasi naniniwala ako dun sa ano niya, e. Sa vision niya. 'Tsaka alam talaga niya yung sinasabi niya. Dahil nakikita ko yung sincerity niya sa mga sinasabi niya.”


Para kay Glaiza de Castro, si Senator Grace Poe ang nakikita niyang karapat-dapat na maging pangulo ng bansa sa darating na 2016 elections.

Ayon kay Glaiza, “Sa tingin ko, si Grace Poe. Ever since kasi naniniwala ako dun sa ano niya, e. Sa vision niya.

“'Tsaka alam talaga niya yung sinasabi niya.

“Dahil nakikita ko yung sincerity niya sa mga sinasabi niya.

“'Tsaka ano, parang bilang babae, siguro ano…”

Sa ngayon daw ay wala pa siyang dinadalang kandidato para sa nalalapit na eleksyon.



NO TO OFFERS FROM RIVAL CANDIDATES. Kung sakaling sa darating na campaign period ay kunin siya ng kalaban ni Sen. Grace para mangampanya, tatanggapin ba niya ang alok?

Paglinaw niya, “Hindi, hindi siguro.

“Parang ang hirap naman nun na magkakampanya ka sa isang tao na hindi ka nagtitiwala, dahil lang malaki yung TF [talent fee].

“So, dapat nandun pa rin yung prinsipyo natin.

“Naniniwala ka dun sa tao kaya mo siya kinakampanya.”

Dahil sa mga sinabi ni Glaiza ay hindi malayong kunin siya ni Sen. Grace para sa kampanya.

“Hi po, Grace Poe! Hi Madam,” natatawa niyang hirit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN