Mayor Joseph Estrada endorses Senator Bongbong Marcos's VP bid; Sen. Bongbong draws flak for not apologizing for "atrocities" during Martial Law

Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada on Senator Bongbong Marcos's vice presidential bid: "Si Bongbong ay masipag, alam ang pulso ng bayan, lalo na ang masang Pilipino. Alam kong may malasakit siya sa mga mahihirap, sa mga kapus-palad na ating mga kababayan."


Pormal na dineklara ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang kandidatura bilang bise presidente ngayong araw, October 10.

Ayon kay Sen. Bongbong, napili niyang idaos ang kanyang anunsiyo sa Heneral Luna St., Intramuros, Manila, at hindi sa balwarte ng pamilya Marcos sa Ilocos, dahil “nadala” siya umano sa pelikulang Heneral Luna.

“Sa tulong ninyo at ng bayan, pamumunuan ko ang isang rebolusyon sa puso, isip, at gawa tungo sa isang tunay at makabuluhang pagbabago…

“Dahil dito, taus-puso kong tinatanggap ang hamon ng panahon, ang hamon ng bagong henerasyon. Tinatanggap ko ng buong-pagpakumbaba ang hamon ng bayan,” pahayag ng senador.

ERAP’S ALL-OUT SUPPORT TO SEN. BONGBONG. Kabilang sa mga personalidad na namataang dumalo sa naturang okasyon ay si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.

mayor Estrada dumadalo sa proklamasyon ni sen bongbong Marcos na maghahayag ng kanyang kandidatura bilang VP @dzbb pic.twitter.com/ksmRxeM2xG

— Rodil Vega (@Rodveg72) October 10, 2015

Sa hiwalay na talumpati ni Mayor Erap, inihayag nito na bilib siya sa kakayahan ni Sen. Marcos na mamumo bilang bise presidente ng bansa.

“Dahil malaking-malaki ang aking tiwala sa kanya, kanyang gagampanan ang posisyon na ito, kayang-kaya niya.

“Dahil mahaba na rin ang karanasan sa public service ni Senator Marcos bilang local government official, governor ng Ilocos Norte, bilang senador kung saan siya ang taga-pangulo ng committee ng local government.”

Naniniwala rin ang alkalde na matutugunan ng senador ang “pulso ng bayan” at pangangailangan ng “masang Pilipino.”

Sabi pa ni Mayor Erap, “Alam kong may malasakit siya sa mga mahihirap, sa mga kapus-palad na ating mga kababayan.

"Kaya ngayon, sa harap ninyo, buong-puso at walang bahid ng pag-aalinlangan akong nagdedeklara na aking susuportahan ang ating mahal na senador, Bongbong Marcos."

"MARTIAL LAW" BECOMES TRENDING TOPIC. Kasabay ng deklarasyon ni Senator Bongbong ng kanyang VP bid, trending topic ang “Martial Law” social media ngayon.

Dito ay makikitang inihayag ng ilang netizens ang pag-alma nila laban sa kandidatura ni Sen. Marcos para sa mataas na posisyon sa pamahalaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay sa kadahilanang hindi maiwasang magunita ng mga ito ang panahon ng panunungkulan ng ama ng senador na si dating-Pangulong Ferdinand Marcos.

Bukod dito, ni hindi umano kayang humingi ng paumanhin ng senador tungkol sa "human rights violation, atrocities" nang ideklara ang Martial Law noon ng kanyang ama.

Nitong nakaraang Linggo, nauna nang inalmahan ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang kandidatura ni Sen. Bongbong bilang bise presidente.

Sabi ni BAYAN Secretary General Renato Reyes: "In the name of the thousands killed, disappeared, tortured, and imprisoned during the dictatorship, we say, 'No.'"

Read: Senator Bongbong Marcos announces VP bid


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN