Cristine Reyes on wedding proposal from longtime boyfriend Ali Khatibi: “Matagal ko siyang hinihintay.”

Cristine Reyes on husband-to-be Ali Khatibi: “Parang napi-feel ko everytime I’m with Ali, yung comfort na hinahahap ko matagal na. Siya yung nag-fulfill nun. Parang yung emptiness sa heart ko, noong dumating sa buhay ko, na-fill yun.”


Nag-propose na ang boyfriend ni Cristine Reyes na si Ali Khatibi at balitang magpapakasal na nga ang dalawa ngayong December.

Sa panayam ni Boy Abunda kina Cristine at Ali noong live guesting nila sa Tonight With Boy Abunda kagabi, October 9, tinanong ni Boy kung bakit ngayon lang at kung paano nangyari ang proposal.

Sagot ni Ali, “Actually, it’s funny.

“Parang it just happened lang po, we we’re talking, spur of the moment lang talaga.

“Very intimate, just the both of us. Parang, I didn’t even have the ring at that time.”

Sabi naman ni Cristine, “We were just talking.

“Yung pag-uusap namin na yun, medyo malalim. Tapos, bigla na lang, yun nga, spur of the moment.”

Tinanong naman daw ni Ali si Cristine ng, “Will you marry me?”

TEARS OF JOY. Naging emotional ba si Cristine?

“Tuwang-tuwa ako na nag-sink-in talaga siya sa akin the next day. Morning hanggang gabi yata, umiiyak ako,” pagbabalik-tanaw ng nakababatang kapatid ni Ara Mina.

Ayon kay Ali, “Actually, dun ako naano sa kanya.

“She was really emotional. She couldn't sleep. She kept crying talaga. Sabi ko, 'Bakit ka umiiyak, nabigla ka ba? Tears of joy ba ‘yan?'

“Tears of joy, she was so happy.”

Pag-amin naman ni Cristine, “Matagal ko siyang hinihintay.

COUNSELING. Tinanong naman ni Boy si Ali kung bakit ngayon lang nga ba ito nag-propose?

“Siguro po kasi, we’re doing counseling. For the both of us. I just really wanted to... I know it’s Cristine but I really wanted the both of us...”

Si Cristine ang nagpatuloy sa sinasabi ni Ali at ayon dito, “Guidance talaga.”

FILLING THE EMPTINESS IN HER HEART. Paano nasabi ni Cristine na si Ali na nga ang lalaking gusto niyang pakasalan?

“Parang napi-feel ko everytime I’m with Ali, yung comfort na hinahahap ko matagal na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya yung nag-fulfill nun. Parang yung emptiness sa heart ko, noong dumating sa buhay ko, na-fill yun,” saad ni Cristine.

SELF-IMPOSED LIMITATIONS ON ACTING ROLES. Tinanong naman si Ali kung payag itong muling gumawa ng teleserye at pelikula si Cristine, lalo na ang mga sexy roles ngayong may bago itong ginagawa?

Sabi ni Ali, “Honestly, it’s up to her if she wants to do it. Kasi, I don’t want to be the one dictating. It’s really her call po.”

Gagawin pa nga rin ba ni Cristine ang sexy roles na ginagawa niya dati?

“I’m very vocal naman po even before na I’m not really comfortable doing what I used to do before,” ani Cristine.

Mababawasan yun?

“Yeah,” diin pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN