Gerald Anderson won't mind getting flak from LizQuen fans

Gerald Anderson, the third wheel in the Liza Soberano-Enrique Gil tandem in Star Cinema's Everyday I Love You, says he's not worried about being bashed by the popular couple's fans: “Kahit wala ako sa movie na ito naba-bash ako, so paano magiging problema yun?”


Si Gerald Anderson ang third wheel sa susunod na pelikula ng tambalang Liza Soberano at Enrique Gil, ang Everyday I Love You ng Star Cinema.

Sa pictorial ng pelikula noong nakaraang Linggo sa NCO Old Recruitment Hub sa ELJ Bldg. ng ABS-CBN, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Gerald kung hindi siya nababahala na ma-bash ng solid LizQuen (Liza Soberano-Enrique Gil) fans, lalo na kung epektibo siyang ka-love triangle nila sa istorya.

“Kailangan ninyo kasing mapanood, e.

“Nakakalimutan ninyo na artista ako.

“And the role they give me, I'm gonna make it interesting. I'm gonna make that role shine. Artista ako, binabayaran ako para umarte.

“Kahit wala ako sa movie na ito naba-bash ako. So paano magiging problema yun?” kampanteng pahayag ni Gerald.



WORKING WITH LIZQUEN. Kamusta ang working relationship niya kina Liza at Enrique?

Kuwento ni Gerald, “Okay, okay sila.

“Sabi ko nga dun sa interview ko kanina, ako, pag nasa set ako, sobrang seryoso ako, sobrang inaano ko yung trabaho ko.

“And then pag nakita ko sila, they are very light, sobrang magaan. Kita ko sa mga mukha nila that they're having fun.

“Mahirap din ang mga roles ng bawat isa, kasi si Quen [Enrique] plays a mature producer ng mga TV shows, tapos si Liza, probinsayana.

“Tapos ako, isang mature na... ako kasi nag-aalaga ng lupa namin.

“Mahirap yung roles, pero at the end of the day, nagagawa naming light at masaya yung set, at dahil sa kanila yun kasi nakakahawa yung energy nila.

“Effortless, effortless lang sila. Gaya ng sinabi ko, they’re just having fun, tapos natural. It just comes out kaya maraming natutuwa sa kanila."

Naging sikat na sikat din na love team ang Kimerald, ang tambalan ni Gerald at Kim Chiu maraming taon na ang nakalilipas.

Nakikita ba ni Gerald ang Kimerald (Kim Chiu-Gerald Anderson) magic sa tambalang LizQuen?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi siyempre ako yung nandun sa Kimerald. Di ko alam kung paano. You have to ask someone else.

“Pero tulad ng sinabi ko kanina, nung nakasama ko sila, bumalik yung sobrang gaan na feeling, relaxing, having fun pag nasa set ka.

“Ganun ako nung Kimerald days namin and nakita ko sila na ganun sila, so bumalik yung memories,” tugon ni Gerald.



NO COMMENT. May relasyon na ba sina Liza at Enrique?

Saad ni Gerald, “Di ko masasagot yan, pero kung ano ang nakikita ko, ewan ko.

“They're having fun. Ang hirap magsalita. Marami silang nai-inspire. Yun ang importante dun.”



SCENIC LOCATIONS. Masayang nagkuwento si Gerald tungkol sa Everyday I Love You.

Ayon sa aktor, kakaiba ang roles na ginagampanan niya, ni Liza at ni Enrique.

“Bagong love story.

“It’s something na kahit ako bilang artista, di ko pa siya nagagawa.

“And I’m sure sila Liza at Enrique, di pa rin nila nagagawa yung ganitong klaseng love story.

“It’s a love triangle. Ang importante sa story nito, every day paano ka magmamahal?

“Paano mo ibibigay [ang pag-ibig mo] sa taong mahal mo every day? Kaya nga 'Everyday I Love You.'

“Kagagaling lang namin ng Bacolod. Nag-shooting kami kasi taga Bacolod kami ni Liza.

“Napakaganda ng mga locations na napuntahan namin.

“Yung ruins, makikita ninyo sa movie at ibang loob-looban ng Bacolod, yung ibang parts ng Bacolod, tapos yung mga di masyadong nakikita ng mga turista.

“Tulad ng bahay ko dun, gustung-gusto ko yung bahay ko, although lumang bahay siya.

“World War II pa yung bahay. Malaking factor din siya sa story.”



REALIZATIONS. Dahil ganoon ang titulo ng pelikula nila, tinanong namin si Gerald kung may tao siyang nami-miss sabihan ng “everyday I love you.”

Sagot niya, “Nami-miss ko?

“Siyempre naman.

“Kumbaga, lahat naman tayo, di naman kailangang love life lang o ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga tao sa buhay natin na di natin nakikita every day, di natin sila nakakasama, so siyempre mayroon.

“Oo, siyempre naman. Lalake ako.

“I have feelings also. I go through mga ups and downs also.

“Tao rin ako. May mga nami-miss din ako. Ganun talaga ang buhay.

“Isa sa mga natutunan ko sa movie na ito is realization.

“Kumbaga, minsan sa simula ng relasyon, sobrang saya ninyo.

“One day, gigising ka, 'Ops, baka I’m holding her back from something para ma-achieve niya yung mga dreams niya. O ako, I’m holding back para sa mga achievements ko.

“Like I’ve said, tao rin ako at siyempre may mga nami-miss din ako.”



STILL LOVELESS. Nabanggit ni Gerald sa mga interviews pagkatapos ng breakup nila ni Maja Salvador na hindi pa siya handang pumasok sa panibagong relasyon.

Consistent ang aktor sa pagsabing hindi pa siya ready magmahal muli.

Ani Gerald, “Hindi, e.

"Kasi di ko pa nga nakikita ang bahay ko for the last two weeks. So parang, anong oras ang maibibigay ko sa magiging girlfriend ko or someone special to me?

“Magiging selfish lang yun at magiging unfair sa kanya, and I don’t wanna go through something like that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN