Sylvia Sanchez elated over positive feedback on son Arjo Atayde's acting: ??Nagre-reflect sa 'yo 'yan.??

IMAGE Noel Orsal

Sylvia Sanchez on son Arjo Atayde's acting plaudits: "Isa lang ang sinasabi, pare-pareho: 'Ang galing-galing ng anak mo.' Pero palaging mas masarap ang feeling at pakiramdam dun sa pangalawang sinasabi na, 'Ang galing-galing ni Arjo at ang bait-bait pa.'


Nagulat kaming malaman mula kay Sylvia Sanchez na sa ilang beses niyang pagkpanalo ng acting award, ikalawang Best Supporting Actress trophy pa lang niya sa pelikula ang nakamit niya mula sa FAMAS noong nakaraang buwan para sa The Trial.

Ang unang Best Supporting Actress award ni Sylvia ay galing sa Metro Manila Film Festival para sa pelikulang Takbo, Talon, Tili noong 1992.

Paliwanag niya, “Hindi naman kasi ako nagpe-pelikula.

“Ang pelikula ko, yung kukunin ako for five days, six days, pero ano siya, nanay lang ng bida.

“Yung puwedeng nandiyan lang sa tabi. Support-support lang,” saad ng aktres nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Dagdag niya, “Ang pinaka-markado ko, yung 1992 pa, which is Takbo, Talon, Tili, na siyang pinaka-markadong-markado.

“Yun ang first award ko, Metro Manila Filmfest. Hindi ako nakaka-tsamba, hindi ako nakaka-suwerte ng role sa movie.

“Ang sumunod na mabigat after no'n, itong The Trial.

“Kaya noong sinabi ni Direk Chito Roo sa akin, 'Tomboy ka, pero yung emosyon mo, nanay. Nanay na nanay,' tinanggap ko agad.”

Ang character actress na si Susan Tagle raw ang peg ni Direk Chito sa role ni Sylvia.

TAKING POINTERS FROM AIZA. Isa sa naging inspirasyon ni Sylvia sa karakter niya bilang tomboy ay ang inaanak sa kasal at dating Be Careful With My Heart co-star na si Aiza Seguerra.

Kaya naman pala binanggit at pinasalamatan niya ito nang tanggapin ang kanyang award.

Ayon kay Sylvia, “Nang tinanggap ko na [yung tomboy role], sinabi ko sa kanya na excited ako.

“Ang ganda ng role, lesbian na nanay.

“Sabi ni Aiza, 'Uy, maganda yun, 'nay!'

“Tapos sabi ko, 'Puwede bang turuan mo 'ko? Paano kayo umiyak, masaktan—yung mannerism?'

“Hanggang sa tinuro niya yung damit ko, shorts ko.

“Sinabihan niya ako, 'Hindi kami nagbi-V-neck [T-shirt], round-neck lang kami. Yung kuko namin, pudpod lang talaga.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya ang bumuo, tumulong sa akin paano ang maging lesbian talaga. Every other take namin sa Be Careful, sinusundan ko siya, pati lakad niya. Three months ko siyang ginaganun.

“Nang makita ko ang script, sabi ko, kapag nagampanan ko 'to nang maayos, kukuha ako ng award dito.

“Sinusuot ko roon, brief. Hindi ako nagpa-panty kahit na hindi nakikita.

“Kasi, pakiramdam ko, buo. Tapos si Aiza, binigyan niya ako ng bra na pang-tomboy. Yung mapa-flat talaga.”

Sa November 6, tatanggap si Sylvia ng Best Performer in TV and Movie award mula sa Gawad Amerika para sa Be Careful With My Heart, Maalaala Mo Kaya at The Trial.

“Masaya naman ako,” nakangiti niyang sabi.

BUSY WITH TV WORK. May dalawang alok daw sa kanyang indie films at isa pa sa Star Cinema, pero hindi siya makatanggap ng pelikula basta-basta dahil sa morning serye niyang Ningning, kunsaan araw-araw raw ang taping.

Natatawang sabi ni Sylvia, “Sa TV kasi talaga ako nabibigyan ng magagandang role.

“E, kung magdadagdag pa ako ng pelikula, Saturday and Sunday, huwag naman. Baka mawalan na ako ng asawa.

“Gusto kong mag-pelikula, pero not to the point na ikasisira namin ng asawa ko yun. Tama na yung Monday to Friday, kasi parehas naman kami.”

PLANS TO PRODUCE INDIE FILMS. Pinaplano rin daw ni Sylvia na mag-prodyus ng indie film, pero pinangunahan na rin niya na hindi pa sa ngayon.

Ayon kay Sylvia, “Actually, gusto kong i-produce si Arjo [Atayde, her son].

“Kay Arjo, tapos sa aming mag-ina. Pero ayokong i-produce si Arjo ngayon. Ayokong ako ang magbigay ng pelikula kay Arjo.

“Ayokong sabihin ng tao na kaya siya nagka-pelikula dahil sa akin.

“Hindi, gusto kong iba ang magpasikat sa kanya dahil, di ba, kapag okey, stable na siya.

“Kapag sinabing deserve naman niya yun. Ayoko ng dahil sa akin.”

Gaano pa katagal bago niya gawin yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bigyan ko pa si Arjo ng the whole year next year. Pababayaan ko siya ng whole year next year,” saad ni Sylvia.

Nag-aartista na rin ang anak niyang babae, si Ria Atayde, na kasama ni Sylvia sa Ningning.

Pero gaya ni Arjo, gusto ni Sylvia na on her own lang muna ito.

“Si Arjo, alam kong puwedeng-pwede naman na siya, pero ayoko. 'Sige, mag-soap ka pa. Movie, then produce tayo ng atin.'”

HAPPY ABOUT SON'S RAVE REVIEWS. Napupuri nang husto si Arjo, lalo na sa pagganap niya bilang isang police inspector sa Ang Probinsyano. Maging ang mga beteranong artista at ang bida ng serye na si Coco Martin ay puring-puri si Arjo.

Anong pakiramdam ng nanay kapag napupuri ang anak?

“Sobra akong happy sa mga naririnig ko.

“Kasi, kahit hindi nila sabihin sa akin, nakakarating sa akin.

“Sobra akong happy na inaalagaan din siya. Tapos, naririnig ko yung mga feedback.

“Sinasabihan nila ako, kahit mga staff, mga boss at kahit mga fans, sinasabihan ako.

“Isa lang ang sinasabi, pare-pareho: 'Ang galing-galing ng anak mo!'

“Pero palaging mas masarap ang feeling at pakiramdam dun sa pangalawang sinasabi na, 'Ang galing-galing ni Arjo at ang bait-bait pa.'

“Kasi, as nanay, yung fulfillment ng pagpapalaki mo, kasi nagre-reflect sa 'yo 'yan.”

Dugtong ni Sylvia, “I’m not saying na perfect akong nanay, pero kapag naririnig ko mga ganyan [sinasabi ko sa sarili ko], 'Wow, hindi ako nagkamali ng pagpapalaki!'

“Of course, masarap ang feeling ng magaling, pero mas masarap yung mabait.”

ESTABLISHING FAMILY'S LEGACY AS ACTORS. Ngayong tuluyan nang nag-showbiz ang kanyang mga anak, mas gusto ba ni Sylvia na makilala silang mag-iina bilang pamilya ng mga aktor?

Pagsang-ayon niya, “Oo, yun ang gusto ko.

“Hindi dahil maganda, hindi dahil guwapo. Gusto ko na makilala kami na, 'Si Sylvia at mga anak niya, aktor.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang yung mga Eigenmann… yung kapag sinabi mong Michael de Mesa, Mark Gil, Sid Lucero, 'Ay, Eigenmann yun, magagaling!'”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN