Nadine Lustre on relationship with James Reid: “Walang pressure na kailangang maging kami.”

“Sa aming dalawa, walang pressure na kailangang maging kami, kailangan maging sweet kami off-cam, kasi hindi kami 'yon. Ito kami, ganito lang, friends lang kami,” says Nadine Lustre about loveteam partner James Reid.


Sobrang masaya ang magka-love team na sina Nadine Lustre at James Reid sa positibong pagtanggap ng mga manonood sa teleserye nilang On the Wings of Love sa ABS-CBN.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nadine sa fan meet event niya noong Sabado, October 10, nabanggit ng Kapamilya actress na natuwa siya sa mensahe sa kanya ni Kris Aquino kamakailan.

Nag-post kasi si Kris sa Instagram niya ng kanyang papuri sa acting na ipinakita ni Nadine sa On The Wings of Love.

Reaksiyon dito ni Nadine, “Pati si Ate Kris, sabi niya sa akin, OTWOLista raw siya.

"Nakakatuwa kasi pati sila nanonood ng On the Wings of Love, pati sila kinikilig."

Bukod sa mga nakakakilig na eksena nila ni James, marami rin daw nagsasabi sa kanilang mas humuhusay na silang umarte ngayon.

Sabi ni Nadine, “I'm always speechless naman po kapag tungkol sa mga supporters namin.

“Kasi, palagi kaming nagti-trend [sa Twitter], palaging may mga pumupunta sa mga mall shows namin ni James.

"So, I'm really, really speechless.

“Hindi ko po alam ang sasabihin ko sa kanila, pero thank you.”



KEEPING THE ONSCREEN CHEMISTRY. Isa sa natatanging katangian ng tambalang James at Nadine ay hindi nila kailangang maging tunay na magkasintahan para magbigay-kilig sa mga manonood.

At tila mananatili ito habang tumatagal ang kanilang teleserye.

Ayon kay Nadine, “Hindi naman namin kailangang i-push ang mga sarili namin sa isa't isa kasi nagwu-work naman siya.

“Tsaka may chemistry naman, so bakit hindi?

“Ang unang foundation naman talaga ng relationship ay friendship, di ba?

"So, mas importante 'yon above anything else."

Hindi na raw nila kailangang pag-usapan pa ito ni James.

“Parang di naman namin kailangang pag-usapan 'yon kasi alam namin parehas kung saan kami dapat mag-focus, ano ang dapat ang unahin namin.”

Diin pa ni Nadine, “Kami kasi, from the very beginning, talagang sinasabi na namin na hindi kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Talagang super friends lang kaming dalawa.

“Sa aming dalawa, walang pressure na kailangang maging kami, kailangan maging sweet kami off-cam, kasi hindi kami 'yon.

“Ito kami, ganito lang, friends lang kami.”

Gayunman, tiniyak ni Nadine na marami pa silang kilig moments ni James sa On The Wings of Love.

“Matagal pa po 'yon. Huwag kayong mag-alala!” natatawang sabi niya.



PROTECTING EACH OTHER. Kaugnay ng kanilang pagiging magka-love team, tinanong ng PEP ang reaksiyon ni Nadine sa post kamakailan ni James tungkol sa paghihiwalay ng showbiz life sa kani-kanilang pribadong buhay.

Sa naturang post, sinabihan ni James ang ilang fans na: “Stop talking on Nadine's behalf you don't know what she thinks or feels.”

Para kay Nadine, naging protective lamang ang kanyang onscreen partner.

“Si James, very protective siya sa akin ever since na nagsimula kami.

"Kahit naman ako sa kanya, ganun din.

"Kasi siyempre, we're a team, partners in crime kami, so dapat tulungan kami."

Dahil din sa post na ito, na-bash nang husto si James ng ilang followers niya sa Instagram.

Read: James Reid posts cryptic messages on Instagram after sighting with Ningning star Debs Garcia

Kung si Nadine ang nasa posisyon ni James, paano niya iha-handle ang bashers?

“Wala, ignore na lang as much as possible,” sagot niya.

At para maiwasan daw ang pag-aaway-away ng fans, sabi ni Nadine, “Dini-delete ko na lang ang mga comments kasi ayaw kong nakikita ang ibang JaDines na nakikipag-away.

“Siyempre kapag may nakita silang ibang nega roon, aawayin nila.

“Yun ang instinct nila, e, mang-aaway sila.

"So, ang ginagawa ko, bina-block ko, dine-delete ko para di na nila sasagutin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN