Sam Milby on Jennylyn Mercado: "Not your typical girl."

Sam Milby says he and Jennylyn Mercado have good onscreen chemistry. The Kapamilya star adds, "She’s napaka-professional, napakahusay, and bait. Never naging masungit. So it was really a pleasure working with her."


“She’s not your typical girl.”

Ganito inilarawan ng Rockoustic Heartthrob na si Sam Milby ang kanyang leading lady sa pelikulang PreNup na si Jennylyn Mercado.

Sa kanyang PEPtalk interview, ikinuwento si Sam ng karanasan niya sa pakikipagtrabaho sa Kapuso actress.

Inamin ng Kapamilya actor-singer na natakot siya sa umpisa hanggang sa magkita sila ni Jennylyn sa look test para sa kanilang movie.

Kuwento ni Sam, “Nag-look test kami, I was thinking baka may ilangan a bit, but no.

“As in sobrang natural ng chemistry namin.

“From the start, maganda na yung chemistry namin.

“She’s napaka-professional, napakahusay, and bait. Never naging masungit.

"So it was really a pleasure working with her."

Ano ba ang nadiskubre niya kay Jennylyn habang nagtatrabaho sila?

Sagot ni Sam, “What I found out about her is she’s not your typical girl.

“Hindi siya yung parang mahinhin na girly-girl, hindi siya maarte at all.

"Nag-MMA nga siya, she does mixed martial arts, she does jiujitsu, she does Muay Thai, triathlete din.

"So, mahilig talaga sa sports."



PUSH-UP PA MORE. Sa hiwalay na interview ay ibinuko ni Jennylyn na bago nila gawin ang eksena na nagpakita ng abs si Sam ay nahuli ng aktres na nag-push-up ang aktor.

Agad naman itong inamin ni Sam.

Aniya, hindi ito ang unang pagkakataong ginawa niya iyon bago ang isang eksena.

“I am trying to think anong project ako hindi nag-push-up before the scene… lagi...

"Kasi minsan, pag dire-diretso yung work, yung taping or yung shooting, walang time para mag-gym.

"Yun lang ang time, kahit konting pump lang para gumanda yung katawan ng konti, ayun, gagawin ko siyempre.

“Yes, the answer is yes, nag-push-up ako before that scene.”

NO WEDDING, NO LOVING. Marami ang natutuwa sa trailer ng PreNup at agad ding nagkaroon ng following ang tambalang Sam at Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa trailer ay nabanggit ni Jen ang linyang “No wedding, no loving.”

Sa totoong buhay ba ay "no wedding, no loving" din ba ang rule ni Sam?

Sagot niya, “I would like it to be that way.

“I find that value and that to be the right way.

“Had I live up to that? I grew up in the States naman, e.

"My values were really different. I was born liberated and growing up din.

“But I think that’s the right way.”

Ibinahagi rin ni Sam sa kanyang PEPtalk interview ang kanyang first love in showbiz.

Alamin kung sino ito sa #SamOnPEPtalk sa Miyerkules, October 14.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN