Julie Anne San Jose insists Sunday Pinasaya not competing with ASAP

"It's not a matter of ratings," says Julie Anne San Jose about Sunday Pinasaya being pitted against ASAP. She adds, “Pare-parehas lang naman po kami ng goal dito, ang makapagpasaya ng mga tao, makapag-entertain."


Katulad ng ilang kasamahan niya sa Sunday Pinasaya, nilinaw ni Julie Anne San Jose na hindi nakikipagkumpitensiya ang kanilang programa sa katapat nilang show sa ABS-CBN, ang ASAP.

“Kami naman po, sa personal kong opinyon, hindi naman po kami nakikipagkumpitensiya,” sabi ni Julie Anne nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago ang show nila para sa Kapuso Masskara Festival sa Bacolod kahapon, October 12.

Subalit dahil bago pa lamang ang kanilang programa, hindi maiiwasang ikumpara ang Sunday Pinasaya sa ASAP, lalo pa't kapansin-pansin ang pagsubok ng musical-variety show ng ABS-CBN na mag-iba ng format na halos katulad ng Sunday noontime program ng GMA Network.

At kamakailan, sa isang panayam kay Piolo Pascual, na matagal nang mainstay ng ASAP, nabanggit niyang maaaring maging wake-up call para sa kanilang show ang pag-arangkada sa ratings ng Sunday Pinasaya.

Sabi pa ni Piolo, “Every week naman kasi ganoon, every week naman kailangan mo talagang galingan.

“Kailangan mong magbigay ng bago, it’s your job.

"It’s something na kailangan mong gawin sa audience mo for them to stay.”


Read: Piolo Pascual on ASAP being beaten by Sunday Pinasaya and Wowowin: "It can be a wake-up call."

Kaugnay nito, sinabi ni Julie Anne na anumang ginagawa nila ay para lahat sa manonood.

“Pare-parehas lang naman po kami ng goal dito, ang makapagpasaya ng mga tao, makapag-entertain.

“Kami naman po, it's not a matter of ratings.

“For me kasi, kinu-consider namin ang isa't isa as family. Pare-parehas po kaming nagtratrabaho nang maayos.

“Ang kinu-consider po talaga namin ay kasiyahan ng bawat tayo every noon ng Sunday.”

SPS FAMILY. Bagamat ilang buwan pa lamang simula nang umere sa telebisyon ang Sunday Pinasaya, mabilis naman daw na naging malapit ang mga host nito sa isa't isa.

Bukod kay Julie Anne, nasa Sunday Pinasaya rin sina Ai-Ai delas Alas, Marian Rivera, Jose Manalo, Wally Bayola, Joey Paras, Barbie Forteza, Valeen Montenegro, Jerald Napoles, at Alden Richards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Julie Anne, "Sobrang close kami."

“May Viber group nga po kami kaya lahat kami may updates.

“Sobrang magulo lang po, sobrang masaya.

“Yung show kasi, parang it's one of connecting din with each other.

"It's more than co-workers, parang brothers and sisters kami rito."

Bukod sa pagkakaroon ng bagong pamilya sa showbiz, nakatutulong din daw ang weekend variety show ng GMA sa kanya bilang isang singer at actress.

“Every Sunday po, usually may production numbers po akong ginagawa, may ginagawa rin akong comedy skits.

“Tapos may kantaserye rin, na parang may musical play na may comedy rin.

“It helps a lot kasi mas lalo kong nahahasa ang skills ko sa singing and sa acting,” sabi ni Julie Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN