Edu Manzano to run for senator in 2016 elections

Muling susubukan ni Edu Manzano na sumabak sa pulitika sa pamamagitan ng pagtakbo bilang senador sa 2016 elections.


Kumpirmado na kakandidatong senador si Edu Manzano sa 2016 elections.

Nakikipag-usap na ang actor-TV host sa isang political party na susuportahan ang kanyang senatorial bid.

“With his track record, he can surely make it to the Magic 12,” ang pahayag ng isang naniniwala sa kakayahan ni Edu na muling maglingkod sa bayan.

Hindi baguhan si Edu sa public service dahil siya ang nahalal na vice mayor ng Makati City noong 1998.

At tulad ni Senator Grace Poe, may mga kumuwestiyon din sa kanyang America citizenship na tinalikuran niya.

Si Edu ang nakakuha ng pinakamarami at pinakamalaking boto noon, pero hindi siya agad naiproklama bilang vice mayor ng Makati City dahil sa kaso na isinampa tungkol sa kanyang citizenhip.

Eventually, naglabas ng desisyon ang Commission on Elections na pinapaboran si Edu.

Nanungkulan din siya bilang chairman ng Optical Media Board mula 2004 hanggang 2009.

Bumaba si Edu mula sa kanyang OMB post nang tanggapin niya ang alok na maging running mate ni Gilberto Teodoro, ang standard bearer ng LAKAS-KAMPI-CMD, sa presidential polls noong 2010.

Parehong natalo sina Edu at Teodoro sa nasabing halalan.

Si Edu ang karagdagan sa listahan ng showbiz personalities na kakandidatong senador sa eleksyon sa susunod na taon.

Ang iba pa ay sina Manila City Vice Mayor Isko Moreno at Mark Lapid, ang chief operating officer ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN