GMA Network has yet to receive formal offer from Singson, Pacquiao

GMA Network: "The major shareholders of GMA Network have not received the formal offer to buy the GMA shares from the group of Gov. Chavit Singson."


Wala pang maibigay na komento ang GMA Network kaugnay ng plano nina former Ilocos Sur Governor Luis 'Chavit' Singson at Sarangani Representative Manny Pacquiao na bumili ng shares ng Kapuso station.

Matatandaang sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, October 12, ay kinumpirma ni Singson na plano nila ni Pacquiao na bumili ng shares sa GMA-7.

Pero wala pa raw silang sapat na pera para maisakatuparan ito.

Read: Chavit Singson confirms plan to buy shares of GMA Network with Manny Pacquiao

Ayon kay Angela Javier Cruz, vice president for Corporate Communications ng GMA Network, wala pang natatanggap na formal offer ang major shareholders ng network mula sa grupo ni Singson.

Kung sakali raw makatanggap ng formal offer ang network ay saka pa lamang magmi-meeting ang tatlong major shareholders ng GMA-7—Gozon, Duavit, at Jimenez—upang pagdesisyunan kung ano ang gagawin.

Narito ang kabuuang statament mula sa GMA Network:

"The major shareholders of GMA Network have not received the formal offer to buy the GMA shares from the group of Gov. Chavit Singson.

"After the said offer is received, the three major shareholders of GMA 7 will still have to meet and decide on what to do with such offer.

"Hence, at this time it will be premature for the major shareholders to comment on the offer of Gov. Chavit Singson's group."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN