Julie Anne San Jose hesitant to work with Alden Richards and AlDub because of bashers

Ayon kay Julie Anne San Jose, hindi magandang ideya ang itambal si Alden Richards ngayon sa ibang aktres dahil sa kasikatan ng love team ng Kapuso heartthrob kay Maine Mendoza o ang AlDub.


Kahit matagal nang nagkaayos sina Julie Anne San Jose at Alden Richards, aminado ang Kapuso singer-actress na hindi pa panahon na magkasama sila muli sa isang proyekto.

Magkasama ngayon ang dalawa, na naugnay noon romantically, sa GMA weekly variety show na Sunday PinaSaya, ngunit kapansin-pansing napakadalang ng interaksiyon nila sa programa.

Read: Alden Richards settles issue with Julie Anne San Jose

Ayon kay Julie Anne, hindi siya handa at pabor na maging third party kung saka-sakali sa tambalang AlDub nina Alden at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub

Ang AlDub ang itinuturing ngayong pinakasikat na tambalan na nakilala sa Kalyeserye segment ng Eat Bulaga.

“Ayaw ko po muna. Ayaw ko po siguro,” sabi ng 21-year-old singer-actress.

Hindi pa siya handa sakaling magkaroon ng offer sa telebisyon o pelikula kasama si Alden o ang AlDub?

Sagot ni Julie Anne, “Hindi ko pa po alam.

"Pero ngayon po kasi, sobrang mainit po kasi ang love team nila.

“Ayaw ko naman po na, alam mo yun… ayaw ko naman po na ang dating ay nakikisakay ako or ano, di ba?”

Kahit GMA Films pa ang magpoprodyus ng pelikula?

“I don’t think that’s a good idea,” sabi ni Julie Anne.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling miyembro ng entertainment press si Julie Anne sa pocket presscon ng Buena Familia kaninang tanghali, October 13.

Ginanap ang presscon sa 17thfloor ng GMA Network, sa may Timog Avenue corner EDSA, Quezon City.

Inanunsiyo nina Julie Anne, kasama nina Angelu de Leon, Julian Trono, Kylie Padilla, Mona Louise Rey, at Bobby Andrews na may Season 2 ang kanilang panghapong teleserye.


“KASI AYOKONG MA-BASH, E.” Pero sinabi rin ni Julie Anne na lahat naman ay madadaan sa maayos na usapan.

Depende rin daw ito sa management at sa bawat artistang kasali kung sakali mang darating ang panahong magkaroon ng proyekto ang AlDub at mai-consider siyang maging bahagi nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat naman po... may mga nadadaan sa magandang usapan.

"I think kailangan talaga ng magandang usapan.

“Ewan ko po, depende rin po sa management.”

Bakit nga ba siya hesitant makasama si Alden o ang AlDub?

Paliwanag ni Julie Anne, “Kasi ayokong ma-bash e. Ayoko po kasing…

“Yeah, that’s one possible reason. Medyo kasi may mga below the belt na.

"Minsan nadadamay ang family. Medyo nakaka-offend.

"But I really can’t please everyone.

“Ako, in-accept ko na lang yun or tinatanggap ko na lang yun as a challenge to do better.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN