Regine Velasquez defends Lea Salonga on “kababawan” issue

Regine Velasquez on Alden Richards's popularity: "Ganyan na naman talaga siya. Kaya lang ngayon, he got bigger. Nagkapangalan naman na siya. Sumikat naman na si Alden, in fairness naman. Pero no one expected that it’s going to be like this. Na matatabunan niya lahat."


Kabilang ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa mga artistang all-out ang pagpapakita ng paghanga at pagkaaliw sa AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Hindi ba 'nabababawan' ang Asia’s Songbird sa usaping ito?

Nakonek agad ni Regine ang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naging isyu tungkol kay Lea Salonga at ng AlDub fans.

Matatandaang nag-react ang AlDub Nation fans sa "kababawan" tweet ni Lea dahil tila ang pinatatamaan daw ng Broadway star ay ang pagkahumaling ng maraming Pinoy sa AlDub at sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ngunit nilinaw ni Lea na wala siyang direktang pinatutungkulan sa tweet niyang iyon.

Raed: Lea Salonga clarifies her "kababawan" Twitter post has nothing to do with AlDub

Naniniwala rin si Regine na hindi ang AlDub phenomenon ang tinutukoy ni Lea sa kanyang tweet.

Pahayag ng Kapuso singer-actress, "Maybe she chose the wrong word, but maybe it’s simply saying entertainment.

"Kasi kung titingnan mo, mababaw naman talaga.

“Kasi ito naman talaga ang buhay namin, nag-e-entertain.

“But if you’ll compare it, let’s say politics and kahirapan ng buhay, talaga namang pampasaya lang, pampa-good vibes [ang entertainment].

"Baka yun ang word na maybe she wanted to say."

Patuloy ni Regine, “Sa akin, I don’t wanna say anything about the issue kasi hindi rin naman ako aware.

"But for me, anything that makes people happy is wonderful.

“Like, it’s making my mom happy, it’s so wonderful.”

Kinikilig din ang mommy ni Regine sa AlDub?

“Oh, yeah!” natawang sambit ng Asia’s Songbird.

“Ano ka ba, pati kami!

"Ako kasi, busy naman ako, meron naman akong ginagawa, nakikipanood lang, pero bakit kinikilig ako?"

Nakausap ng PEP si Regine sa presscon para sa kanyang concert, ang Regine at the Theater, na gaganapin sa November 6, 7, 20 and 21 sa Solaire Resort & Casino sa Parañaque City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SEEING ALDEN’S CAREER GROWTH. Nakasama ni Regine si Alden bilang co-host sa reality talent show noon ng GMA Network na na Bet Ng Bayan.

Nakita ba ni Regine noon pa man na magiging ganito kalaking artista si Alden?

Sabi niya, “E, ganyan na naman talaga siya.

"Kaya lang ngayon, he got bigger.

"Nagkapangalan naman na siya. Sumikat naman na si Alden, in fairness naman.

“Alden Richards, kumbaga, meron na siya.

"Pero no one expected that it’s going to be like this. Na matatabunan niya lahat."

YAYA DUB IS NATE'S CRUSH. Crush naman daw ng three-year-old son niyang si Nate si Maine Mendoza o Yaya Dub.

Na-meet na ni Nate si Yaya Dub. May litrato pa nga ang dalawa nang magkita sila sa shoot ng commercial ni Maine.

Lahad ni Regine, “Yun nga, may kuwento nga siya [Nate].

"Kapag tinanong mo siya, ‘Ano sabi sa ‘yo ni Yaya Dub?’

“Sabi niya, sabi raw, ‘Sosyal ako.’

“Sabi ko, ‘Weeeh?’ Pero siguro, sinabihan lang siya na, ‘Ay, sosyal!’

“But I don’t even remember her saying that.

“I was there but, I guess, yun ang na-retain [sa utak ni Nate] and she [Yaya Dub] must have said it.

“So, yun ang sinasabi niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN