Regine Velasquez happy to help new singers: "I’m just giving back."

Regine Velasquez returns a favor: “I feel like I was so blessed before. Kasi kung hindi rin naman ako sinuportahan ng mga sikat na sikat na nung time na yun, I don’t think magkakaroon din ako ng chance na you know, para maiangat din ang sarili ko. So now, I’m trying to do the same.”


Hindi maramot ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez sa ibang mang-aawit, lalo na sa mga nagsisimula pa lamang.

Madaling kausapin si Regine para mag-guest sa concerts ng baguhang singers.

Paliwanag ng singer-actress, “Because when I was starting, lahat ng mga major artists also supported me.

“Almost all of them... Kuh Ledesma, who even produced my first concert.

“Si Martin [Nievera] ], nag-guest ako sa Penthouse... he sang with me.

"Normally, kapag big star ka, you don’t really sing with an unknown.

"I was unknown talaga. He didn’t hesitate.

“Gary [Valenciano] guested me in one of his biggest concerts in Luneta. That was my major concert before.

“Joey Albert, si Pops Fernandez...

"So, almost all of them, you know, sobra akong nasuportahan.

“I’m just giving back. I’m just trying to also support the newcomers now.

“I feel like I was so blessed before.

"Kasi kung hindi rin naman ako sinuportahan ng mga sikat na sikat na nung time na yun, I don’t think magkakaroon din ako ng chance na, you know, para maiangat din ang sarili ko.

“So, now, I’m trying to do the same.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng media si Regine sa presscon ng kanyang concert series na Regine at the Theater.


Gaganapin ang kanyang concert series sa November 6, 7, 20, and 21 sa Solaire Resort & Casino sa Parañaque City.

HAPPY FOR NEW SINGERS. Ano ang pakiramdam ni Regine tuwing nao-overwhelm ang baguhang singer na ka-duet niya kapag nagpe-perform siya bilang guest sa concert nito?

Tugon niya, "Actually, naha-happy ako. Natutuwa ako.

“Natutuwa ako na I’m able to be there for them.

"I’m able to support them. I’m able to give them little tips.

“Kasi minsan, nagtatanong sila. [Sinasabi nilang] ‘Kinakabahan ako.’

"I’m happy that I’m there to answer whatever questions they have,” sagot ni Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, sinabi ni Regine na ang concert series niya ay hitik sa musika ng teatro.

"Kasi di ba, yung theater, yung musical they have their own arrangement?

“I wanted to give my own version.

"It’s concert style pa rin but there are some songs that are reenacted, so medyo exciting yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN