Kylie Padilla worried about dad Robin's reaction to her sexy pictorial

Aminado si Kylie Padilla na tila nananahimik ang kanyang career. Kaya naman daw naisip niyang gumawa ng kakaiba para muling uminit ang kanyang pangalan.


Nag-aalala ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa magiging reaksiyon ng amang si Robin Padilla kapag lumabas na ang cover pictorial niya sa isang men's magazine sa Nobyembre.

May pagka-sexy raw kasi ang layouts nito bagamat wala naman siya masyadong ipinakitang 'skin' sa kanyang pictorial; likod at hita lang daw ang ipinakita ng 22-year-old actress.

Labag din ito sa kanilang relihiyihong Islam.

Nang ipakita ni Kylie sa amin ang isang layout, nakatalikod lang siya na bukas ang zipper ng kanyang suot na gown.

Sabi ng ilang press, hindi naman ito ganun ka-sexy.

Pero sabi ni Kylie, “Sexy na yun. Mapapagalitan na ako nun.

“Tsaka para sa akin, mas ano ‘yan, e, mas sexy.

“Kapag nakikita ng lalaki yun, ‘T$%g*#@, hubaran na natin ‘yan!’ Alam mo yun?”

Sa tingin ba talaga niya ay mapapagalitan siya ng ama dahil dito?

Sagot ni Kylie, “Hindi naman. Madi-disappoint siya.”

Paano ba siya napapayag at bakit ginawa niya pa rin?

Paliwanag niya, “Para sa akin naman yun, e.

"At alam ko naman hindi naman siya bastos tingnan.

“Hindi naman ako forever na lang na ano…

"Kasi feeling ko, nag-stuck yung career ko at hindi ko alam kung bakit.

“Hindi ko nga namalayan na nag-stuck, e.

“So, pinag-isipan ko kung ano ba ang kailangan kong gawin para makita ng mga tao na, you know, I’m not a little girl or hindi ako puwedeng… hindi ko kayang magdesisyon ng [para sa] sarili ko.

“So, kailangan ko, di ba? Hindi na ako bata.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling miyembro ng press si Kylie sa pocket presscon ng Buena Familia, Martes ng tanghali, October 13, sa 17th floor ng GMA Network, Timog corner EDSA, Quezon City.

Ang presscon ay kaugnay ng Season 2 ng Buena Familia.

ON ROBIN PADILLA. Paano sasabihin ni Kylie sa tatay niyang si Robin ang tungkol sa magazine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balak ba niyang ipaalam ito o hahayaan na lang niyang makita ito ng ama?

Sabi ni Kylie, “Titingnan ko na lang muna yung reaksiyon niya.

“Siguro pupuntahan ko na lang siya, dalhan ko siya ng something. Sana.”

Sino ang nagdesisyong panahon na para mag-level up siya sa kanyang pagiging artista?

"Buong management," pagtukoy ni Kylie sa kanyang manager na si Betchay Vidanes.

Sign ba ito ng pagrirebelde niya?

“Hindi," tanggi ng dalaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN