Sen. Chiz Escudero doesn’t require wife Heart Evangelista to campaign for him

Sen. Chiz Escudero on why he and Heart Evangelista are renewing their wedding vows: "Gusto namin na meron kaming picture na kasama yung mga magulang niya. Yun lang. Gusto ni Heart na ganap at kumpleto yun."


Hindi obligado si Heart Evangelista na samahan ang asawang si Senator Chiz Escudero sa campaign sorties kaugnay sa pagtakbo niya bilang bise presidente ng bansa sa 2016 elections.

“Kasi nauunawaan ko naman na may trabaho siyang dapat gawin at pag tumigil yun, paano kami kakain?” natatawang biro ng senador.

Hindi ba kailangang maging visible si Heart sa political commitments ni Chiz?

Sagot ng senador, “Oo, pero mas priority pa rin ang trabaho niya. Pangalawa lang yun.

“Kung wala sana siyang trabaho, e, di sige. Bakit hindi?

“Pero mas maganda pa rin na may sarili siyang propesyon, may sarili siyang trabaho.

“Kasi, alam mo yun, kung pag-uwi ko, yung kaaway ko kaaway rin niya, kung pareho kami ng mundong ginagalawan namin…

“At least, magkaiba yung mundong ginagalawan namin.

"So, pag-uwi mo, puwedeng kakaiba yung mga pinag-uusapan ninyo. Hindi lang tungkol sa trabaho at sakit ng ulo.

“Tapos siya, pag-uwi niya, kuwento lang siya, hindi tungkol sa trabaho at sakit ng ulo.

“Mas nagkakasundo kami.”

Sanay na ba si Chiz sa buhay nila ni Heart at sa kanya-kanya nilang mga karera?

“Unti-unti, pero ganun pa rin.

"May trabaho siya, ako rin may trabaho na dapat gawin.

“Pag bakante ako, nasasamahan ko siya.

"Pag bakante siya, nasasamahan din niya ako,” tugon ni Chiz.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Senator Chiz sa launch ng children’s book na Daughter of the Sun and the Moon, noong October 8, sa Discovery Primea, Makati City.

Si Heart ang nag-design at nag-illustrate ng librong ito ni Rocio Olbes.



RENEWAL OF VOWS. Nilinaw naman ni Chiz ang balitang ikakasal sila uli ni Heart sa first wedding anniversary nila sa February 16, 2016.

Aniya, “It’s not a second wedding. Renewal lang.

“Kasi nung una namin [their wedding on February 16, 2015], wala yung mga magulang niya.

"So, gagawin sa bahay lang. Hindi naman ito yung kasal talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto namin na meron kaming picture na kasama yung mga magulang niya. Yun lang.

"Gusto ni Heart na ganap at kumpleto yun.

"Dahil siyempre, nagkakaedad na rin yung mga magulang niya.

"Gusto niya magawa yun within the year sana.

“Kasi last February, wala. At least next February, nandun na.”



SOLID RELATIONSHIP. Paano napapanatili nina Chiz at Heart ang tamis ng pagsasama nila sa gitna ng pagiging abala sa trabaho at commitments?

Natawang sagot ng pulitiko, “Ako, wala ba akong parte doon? Hindi ba ako kasama?

“Oras lang. Oras.

"Dahil sa totoo lang, labas sa trabaho namin, labas sa pamilya at sa aming dalawa, wala naman kaming ibang inaasikaso pa, e, maliban sa painting siguro.

"Sapat na yun.

“At ganap na yung aming panahon at kaligayahan sa ganoong klaseng buhay.”

Kailan naman sila magkaka-baby ni Heart?

“Siguro after what?” sabay tingin ng senador sa asawa na hindi kalayuan sa kanya.

Nagtaas ng dalawang daliri si Heart.

Sabi ni Chiz, “Two years raw. It’s subject to negotiation.

"Quite friendly. I’m a good negotiator.

"Siguro in less than two years’ time."

Mayroon nga bang inaalagaan si Heart?

Tugon ng senador, "Yes, si Chiz.

"Pero para sa akin, importante pa rin yung panahon na kaming dalawa lang.

“Tama lang din naman yun. Sang-ayon din naman ako doon.

"Pero within two years, pero not more than two years."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN