Nadine Lustre reiterates there's no issue between her and Kathryn Bernardo

Nadine Lustre on avoiding unruly fans: “Yung dalawa ko pong kapatid, poste po. So, pinapagitnaan po nila ako. Naka-cap naman po ako kasi mahirap din. Siyempre, limited na lang po yung time na dudumugin ka ng tao."


Kahit sikat na sikat na ngayon si Nadine Lustre, nakakapunta pa rin naman daw siya sa malls kasama ang kanyang pamilya.

Paano kapag may nagkakagulo sa kanyang mga fans?

Ayon kay Nadine, “Yung dalawa ko pong kapatid, poste po.

"So, pinapagitnaan po nila ako.

“Naka-cap naman po ako kasi mahirap din. Siyempre, limited na lang po yung time na dudumugin ka ng tao.

“Kasi na-experience ko na po na pag may isang lumapit, yung iba lalapit na rin hanggang sa maging malaking grupo na yun."



KATHRYN BERNARDO. Tungkol naman sa kanila ng sinasabing kamukha at karibal niyang si Kathryn Bernardo, sinabi ni Nadine na nagkita sila ng kapwa Kapamilya star sa kick-off anniversary show ng It’s Showtime sa Araneta Coliseum.

Sabi ni Nadine, “Opo. Okey naman po.

"Kasi sa amin naman po, wala namang isyu. Nag-uusap naman po kami.

“Noong nagkasama kami sa Showtime anniversary, ang pinag-usapan lang namin about the production number, ganyan.

“Actually, yun lang po ang pinag-usapan namin, kasi medyo kulang na sa oras at sasalang na kami.”

Okey ba kay Nadine na makasama sila ni Kathryn sa isang project?

“Opo. Okey naman po,” tugon niya.

Mag-textmates ba sila ni Kathryn?

“No naman po. Nag-uusap pero hindi pa naman ganoong level,” sabi ni Nadine.

MMFF ENTRY. Samantala, tuloy ang pagsali nina Nadine at James Reid sa Metro Manila Filmfest (MMFF) 2015 movie nina Vice Ganda at Coco Martin na Beauty and the Bestie.

Pahayag ni Nadine tungkol dito, “Super excited ako dahil first time naming mag-MMFF.

"Saka before po nakatrabaho ko na siya [Vice Ganda] sa Petrang Kabayo.

"So, excited po rin ako to work with Kuya Coco.

“Actually, unang-una po kaming nagkakausap noon ni Kuya Coco after ng party ng ASAP. He’s really, really nice.

“Noong time na yun, nagbibigay siya ng tips sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Super-bait po ni Kuya Coco."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN