Bianca King reconciles with non-showbiz boyfriend Julio Villafuerte

Bianca King on patching things up with non-showbiz boyfriend: "Kasi totoo naman na naghiwalay kami, pero joke lang, joke break lang. Pero wala. In a short time, nagkaayos din. Ganoon naman, e.”


Masaya na naman ang love life ni Bianca King.

Nagkabalikan kasi sila ng dating boyfriend na si Julio Villafuerte.

Si Julio ay anak ni dating Camarines Sur Governor LRay Villafuerte at kapatid ng incumbent governor ng Camarines Sur na si Migz Villafuerte.

Kuwento ni Bianca sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kasi totoo naman na naghiwalay kami, pero joke lang, joke break lang.

“Pero wala. In a short time, nagkaayos din. Ganoon naman, e.”

Apat na buwan ang nakararaan mula nang napabalita ang tungkol sa breakup nila.

Read: Bianca King admits breakup with non-showbiz boyfriend Julio Villafuerte

Ayon kay Bianca, sandali lang sila nagkahiwalay ni Julio.

"Mabilis lang. Super-bilis lang, parang mga linggo lang."

Dire-diretso na kaya ang relasyon nila ngayon?

“Tingnan natin. Baka pag tinanong mo ako next year, di ba?

“Pero siyempre, our relationship naman is working.

"Hindi naman maga-guarantee, di ba? We keep working at it," tugon ni Bianca.

Kahit nagkabalikan sila ng boyfriend, hindi pa raw aabot sa kasal ang kanilang relasyon.

“Marami pa akong goals,” sabi ng mestisahing aktres.

HAPPY FOR DENNIS TRILLO. Sa kabilang banda, masaya naman si Bianca sa tagumpay na tinatamasa ng ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo dahil sa pelikula nitong Felix Manalo.


Dalawang Guinness World Record ang sinira ng pelikula: Largest Attendance for a Film Screening at Largest Attendance for a Film Premiere.

Certified box-office hit din ito.

Ayon kay Bianca, "I’m happy for him. Malaki raw ang budget ng movie.

"Mahilig akong manood ng mga local movies, lalo na pag malaki ang build up ng mga tao.

"So, excited akong makita kung paano nila ginamit yung budget na napakalaki.

“Curious akong makita kung paano nila trinanslate yun sa movie.”

Gusto rin daw ni Bianca na mapasama sa cultural o period film.

Palagay niya ay papasa siya bilang isang Spanish character sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TOGETHER AGAIN. Masaya rin daw si Bianca kung totoo ang balitang nagkabalikan na sina Dennis at Jennylyn Mercado.

“Lagi kong sinasabi sa Showbiz Konek Na Konek na kung may hope na magkabalikan silang dalawa, kasi may hope naman talaga na magkabalikan sila.

“True enough, nagkabalikan na raw sila.”

Hindi pa raw nagkikita at nagkakausap sina Bianca at Dennis.

Pero ayon kay Bianca, “Jennylyn is my friend.”

Nagkakausap sila ni Jennylyn “every now and then.”

May girl talk ba sila tungkol sa exes nila?

"No, no. Hindi kami ganun ka-close.

"Pero may balak kami before na mag-triathlon together.

“Siya ang magba-bike. Ako yung tatakbo or magsu-swim.

"Pero hindi kami natutuloy," sabi ni Bianca.

Kaibigan din daw ni Bianca si Heart.

“She always invites me sa mga ganitong events niya.

"As much as possible, I try to support her.

"Kasi may time din na parang pag down siya at down ako, she’s there for me.

"So, kapag may magandang nangyayari sa amin at kahit hindi kami constant na mag-usap talaga, we try to support each other.

“And I’m proud of her na ang dami niyang ginagawa. Ang dami nga niyang artistic endeavors, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN