Sharon Cuneta asks for support for husband Kiko Pangilinan’s third senatorial bid

Ngayong Miyerkules, October 14, nakatakdang mag-file ng kanyang certificate of candidacy (COC) ang asawa ni Sharon Cuneta na si Francis ‘Kiko’ Pangilinan bilang senador. Kung papalaring manalo sa 2016 elections, ito na ang magiging pangatlong termino ni Kiko sa Senado.


Tatakbong muli sa pagka-senador ang two-termer senator at presidential assistant for Food Security and Agricultural Modernization na si Francis ‘Kiko’ Pangilinan sa 2016 elections.

Isa si Kiko, 52, sa labindalawang pambato ng Liberal Party sa senatorial race, sa ilalim ng Mar Roxas-Leni Robredo tandem.

Sa Facebook post ng asawa nitong si Sharon Cuneta ngayong Miyerkules, October 14, sinabi ng Megastar na handa na ang kanilang pamilya sa susunod na anim na taong mag-iiba muli ang buhay nila.

Pahayag ni Sharon, “Good morning, everyone! Today, I will accompany my husband as he files his COC for his third term as Senator of the Republic.

“This is definitely gonna change our family's lives again for the next six years... but I have unwavering faith in Kiko's pure heart and only the very best intentions and devotion to the Philippines and all of our children's future.”

Humihiling din si Sharon ng suporta sa mga Pilipino na muling ihalal ang asawa dahil pagseserbisyo sa bayan lang daw ang tanging intensiyon nito sa pagtakbo.

“As his wife, I know you will understand that I am now asking for your support and help in getting him re-elected. Thanks so much.”

Ibinahagi rin ni Sharon na nahirapan si Kiko na maipanalo ang kandidatura nito noong 2007 elections, kung saan tumakbo siya bilang independent.

Sabi niya, “Also, if you are outside of the Philippines or are here and have an e-reader (I like amazon.com's Kindles), you might want to read all about our (difficult) journey to help Kiko win in the 2007 Senate elections—and by running as an INDEPENDENT candidate after politely turning down offers to join both the Administration's and the Opposition's senate slates!

“If you would like to buy a copy of the book, "The Indie" for your e-reader (it is also filled with pictures and interviews of us and all our brave volunteers who we will always be grateful to and for), please go to amazon.com, and search "The Indie" in "Books".

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It will be on page 8 of the search. Thanks so much again from the bottom of all our hearts! We love you. God bless you all and have a wonderful day!”

Good morning, everyone! Today, I will accompany my husband as he files his COC for his third term as Senator of the...

Posted by Sharon Cuneta on Tuesday, October 13, 2015

THE GREATEST GIFT. Sa isa pa niyang post ngayong araw rin ng Miyerkules, muling nagpasalamat si Sharon sa Superstar na si Nora Aunor.

Ito ay sa kadahilanang binigyang-diin ng Superstar na nararapat na naisama si Sharon sa pinarangalan ng 63rdFAMAS Awards bilang Iconic Movie Queens of Philippine Cinema.

Read: Sharon Cuneta “a little offended” by FAMAS snub on Iconic Movie Queens of Philippine Cinema award

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nora nitong nakaraang linggo, sinabi ng Superstar na dapat lang na nasa listahan si Sharon dahil namamayagpag ito nung Dekada ’80.

Read: PEP EXCLUSIVE. Nora Aunor says Sharon Cuneta deserves to be included on iconic movie queens list



Narito ang buong mensahe ni Sharon para kay Nora:

“Thank you very much to my friend, Ricky G. who posted this. And thank you very, very much to all the Noranians who originally put this together and posted it for my friend/s to see (I hope you won't mind me posting this here).

“Most of all, maraming, maraming salamat po, Ate Guy, Miss Nora Aunor, and nag-iisang Superstar ng bansa, sa di ko inaasahan kahit kailan na napakagandang "regalong" ito na galing po sa iyo.

“Sa lahat ng tao, ikaw pa Ate Guy ang nagbigay ng respeto at karangalan sa akin. Di bale, tulad mo, alam ko din naman ang lahat ng nagawa ko noong buong mga dekadang 80s at 90s.

“At dahil sa iyo po galing ang parangal na ito, Ate Guy, na kinikilalang isa sa pinakamahuhusay na artisa hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo, di ko na kailangan pa ang parangalan ng anumang institusyong tila nakalimot sa lahat ng kontribusyon ko sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas higit pa ang natanggap ko dahil tayong mga artista ang nakakaalam kung gaano kahirap di lang ang sumikat kundi ang i-maintain ang kasikatan at talunin ng talunin ang sariling gawa.

"Maraming, maraming salamat po, Ate Guy. Mahal kita.”

Thank you very much to my friend, Ricky G. who posted this. And thank you very, very much to all the Noranians who...

Posted by Sharon Cuneta on Tuesday, October 13, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN