Julian Trono wants to polish his singing before releasing second single

Patuloy raw munang hinahasa ni Julian Trono ang kanyang pagkanta bago siya mag-release ng full album. Malaki raw kasi ang respeto ng Kapuso talent sa mga lehitimong singers na nakakakanta talaga.


Ayon sa actor-dancer na si Julian Trono, gumagawa pa rin siya ng paraan para maituloy ang kanyang pagsasayaw dahil ayaw niyang mangalawang ang dance moves niya.

Si Julian ang isa sa pambato ng Kapuso network pagdating sa sayawan.

Ngunit sa pagsasara ng musical-variety show na Sunday All Stars, nawalan ng outlet ang 18-year-old Kapuso star.

Sabi ni Julian, “Ano ba? Wala. Actually wala nga, e.

“Nakakapag-perform pa rin naman sa mga out-of-town shows ng Buena Familia o ng GMA. Pero yung regular talaga, [wala].

“Naghahanap ako sa YouTube ng mga videos at least tuluy-tuloy pa rin ang pagsayaw.

"Ang hirap kasi huminto, e, baka mangalawang, e."

Pagdating naman sa pagkanta, on-hold daw muna ang plano ni Julian na mag-release ng second single matapos ang first single niyang “Wiki Me.”

Saad niya, “Yung K-Pop ko kasi dapat nung July pa naglabas na kami ng second single after nung first one.

"Kaya lang, ako na nag-decide na mag-halt lang for a while. Parang mas mag-take time.

"Kasi sabi ko, marami kasing naglalabas ng mga… I mean, yung iba nakakakanta lang, stuff like those.

"Parang on my end, gusto ko siyang i-earn talaga.

"Like, just to give respect dun sa mga singers talaga na alam mo yung innate sa kanila yun.

“Something na gusto ko ma-earn kasi nag-training pa ako [kumanta].

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Julian a pocket presscon ng Buena Familia, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center noong Martes, October 13.

Ang naturang presscon ay idinaos upang ianunsiyo ang pagkakaroon ng Season 2 ng panghapong teleserye ng GMA.

Isa si Julian sa mga artista ng Buena Familia.



RESPECT FOR REAL SINGERS. Binigyang-diin ni Julian na gusto niyang mahasa ang galing niya sa pagkanta bago mag-release ng full abum.

“Right now, meron na kaming natapos na charity album, meron akong tracks dun

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Chill lang dun muna, mas nag-i-explore ako.

“Puro rap ako, yung mga versions ko dun.

"So, yun, mas mag-focus and gusto ko ring magsulat ng mga own songs ko. Yun, gusto kong makapagsulat ako.

"So, hopefully, bago matapos yung year na ito, makapaglabas ako ng second single."

Bakit single lang ang plano nilang i-release?

Paliwanag ni Julian, “Ako na rin ang nag-decide na single muna.

"Ayokong magpadalus-dalos kasi, kumbaga, ang daming artists.

"Gusto ko kasi pag magkaroon na ako ng [full] album, meron akong input. Kumbaga, meron akong sinulat.

“Yun ang perspective ko, e.

"Marami akong mga friends na singers talaga, na performers talaga na ang daming time na ginugugol nila for that kind of art.

"So, ako, parang gusto kong magbigay ng respeto sa kanila."

BUENA FAMILIA. Masayang-masaya naman si Julian sa magandang ratings at takbo ng kinabibilangan niyang afternoon soap, ang Buena Familia.

Dahil dito, magkakaroon ito ng second season na tatakbo hanggang January 2016.

Si Julian ang gumaganap sa papel na Edwin Buena, bunsong anak nina Bobby Andrews at Angelu de Leon.

Aniya, “Overwhelming po kasi nga hindi namin in-expect ‘to.

“Yung response kasi ng mga tao, sobrang mainit.

"Of course, family-oriented, e, kumbaga, parang marami na rin namang nagdaang mga family-oriented shows, pero nakakatuwa lang na nag-ask for more pa rin sila.

“Kumbaga, gusto pa rin nila yung mga ganung genre ng mga soaps, so masaya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN