Erap Estrada, Mark Lapid, Alma Moreno file COCs for 2016 elections

Mayor Joseph Estrada, Mark Lapid, and Alma Moreno all set to run for their respective candidacies in 2016 elections. All three filed their COCs today, October 14.


Pormal nang naghain ng certificate of candidacy sina Joseph “Erap” Estrada, Alma Moreno, at Mark Lapid ngayong araw, October 14.

Kakandidato bilang reelectionist si Manila Mayor Erap, na nagsumite ng kanyang kandidatura sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Arroceros, Manila.

PHOTO: Erap-Lacuna tandem para sa pagka-alkalde, bise alkalde ng Mla., magkasamang naghain ng COC. | via Carlo Mateo pic.twitter.com/zJOeoAyQqu

— DZBB Super Radyo (@dzbb) October 14, 2015

Sinamahan si Mayor Erap ng isang malaking grupo ng kanyang solid supporters na nakasuot ng orange shirts.

Naghain na rin ng COC si dating Pampanga Governor Mark Lapid na tatakbo bilang senador sa ilalim ng Liberal Party.

Namataang kasama ni Mark ang misis niyang si Tanya Garcia at amang si Senator Lito Lapid sa COMELEC sa Manila.

COC filing.#tanyagarcia#senlapid#comelec #MarkLapid2016 #senator

A photo posted by Mark (@marklapid) onOct 13, 2015 at 8:18pm PDT

Maging si Parañaque Councilor Alma Moreno ay nagsumite na rin ng COC para sa pagka-senador ngayong araw.

Kakandidato si Alma sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA).

Sinamahan si Alma ng kanyang anak na si Vandolph sa kabila ng magkaibang partidong kinabibilangan nila para sa 2016 elections.

Alma Moreno in Comelec to file COC for senator; supporters wait outside Comelec. #Halalan2016 (Photos via @1rgcruz) pic.twitter.com/xGr2fK7nQh

— ABS-CBN News Channel (@ANCALERTS) October 14, 2015

Nauna nang naghain kahapon si Vandolph ng kandidatura sa pagka-konsehal sa ilalim ng Liberal Party.

Read: Edu Manzano, Ronnie Rickets, Vandolph file COCs on second day

Ilan pa sa mga naunang naghain ng kanilang COCs para sa 2016 elections ay sina Jolo Revilla, Alfred Vargas, Jeremy Marquez, at Andrea del Rosario.

Read: Jolo Revilla, Alfred Vargas, Jeremy Marquez file COCs on first day


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN