Yam Concepcion has new boyfriend: "Nine months na rin kami..."

Yam Concepcion on her new boyfriend: "Si Miguel, he’s very sweet and very thoughtful. Kahit na malayo kami sa isa’t isa, we always communicate thru Facetime or Facebook. Lagi niyang kinukumusta ang trabaho ko. I feel good kapag nagkakausap kami."


May bagong boyfriend ang sexy star na si Yam Concepcion sa katauhan ni Miguel CuUnjieng, isang non-showbiz.

Ayon kay Yam, “Nine months na rin kami. He’s based in Washington D.C.

“Binisita ko siya kailan lang and masarap ang feeling na may taong tunay na nagmamahal sa ‘yo.

“Yung hindi ka taken for granted; si Miguel, he’s very sweet and very thoughtful.

“Kahit na malayo kami sa isa’t isa, we always communicate thru Facetime or Facebook.

“Lagi niyang kinukumusta ang trabaho ko. I feel good kapag nagkakausap kami.

“We learn something new from one another tuwing nagkakausap kami.”

Nasa plano na kaya nila ni Miguel ang mag-settle down na?

Sabi ni Yam, “Ay, hindi pa naman, I think malayo pa mangyari iyon.

“Alam ko kasi na marami pang gustong gawin si Miguel sa buhay niya.

"At ako rin naman, marami pa akong plano for myself.

“He respects my job here in showbiz, and he supports me sa anumang project meron ako.

“Siguro yung pag-settle down, mapag-uusapan naman ‘yan sa tamang panahon.

“Right now, we’re enjoying our relationship kahit na long-distance pa ito.”

DREAM JOB. Thankful din daw si Yam na unti-unti nang nag-iiba ang image niya.

Mula sa pagiging isang sexy star sa umpisa ay naging wholesome na ang image niya dahil sa naging projects niya sa Kapamilya network.

“After I did the movie Rigodon [2012], sinabi ko sa Viva na ayoko nang gumawa pa ulit ng ganung movie.

“Kasi ano pa ang ipapakita ko, di ba? Sa first movie ko, halos lahat nakita na.

“Hindi rin ako makapaniwala na nagawa ko ang mga eksena sa Rigodon, feeling ko hindi ko na siya magagawa pa ulit.

“That’s why I’m thankful sa ABS-CBN kasi they gave me projects na nakatulong para mabura yung sexy image natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It started with Dugong Buhay, then I did Pure Love, pinasok nila ako sa Kapamilya Deal or No Deal.

“Ngayon nasa All of Me ako.

"But the best thing that really happened to my career ay yung kunin ako to be a reliever on 'Star Patrol.'

“Kasi news department ‘yan and everyone knows that I had this sexy image, pero they gave me a chance.

“Noon ko pa naman dream na maging part ako ng news and public affairs, gusto kong maging field reporter.

“Ngayon, unti-unting natutupad ang mga dreams ko.

"Hopefully, balang-araw, maging newscaster na rin ako."

NILALANG. Samantala, first Metro Manila Film Festival movie ni Yam ang Nilalang, kunsaan bida sina Cesar Montano at Maria Ozawa.

Gumaganap si Yam na kapatid ni Maria Ozawa sa movie.

“I play her sister pero wala kaming eksenang dalawa.

“Yung mga scenes ko kasi nangyari in the past na, tapos may kung anong curse sa pamilya namin.

“First horror movie ko ito at first time akong lagyan ng prosthetics.

“Kung ano ang hitsura ko sa movie, kailangan panoorin nila ang movie kasi hindi nila ako makikilala.

“Ako naman, natuwa ako kasi this is a different movie for me, pang-MMFF pa."

Dagdag ni Yam, “We all want Nilalang to make money sa box-office.

“Considering na mga kalaban namin ay malalakas, sana ay suportahan din nila ang movie na ito.

“Ang babait ng mga producers namin, they went all out sa paggawa ng movie na ito na sobrang kakaiba.”

Bukod sa Nilalang, reliever din si Yam sa "Star Patrol" segment ng TV Patrol.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN