Aubrey Miles surprised to receive huge talent fee from longtime beau Troy Montero

Aubrey Miles is doing her first movie nine years after her last, not that she is making comeback. She says, "Nakalimutan ko na rin ang paggawa ng movies, nag-enjoy akong maging mommy.... I wanted to live a quiet life na with Troy. Tama lang naman ang naging desisyon namin to lay low, sa business kasi we are able to raise a family na maayos.”


Nine years na palang hindi gumagawa ng pelikula ang former sexy actress na si Aubrey Miles.

Kaya ang 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Nilalang ang masasabing comeback film niya.

Ang huling pelikulang ginawa ni Aubrey ay ang Super Noypi, na isa ring MMFF entry noong 2006.

Saad ng aktres, “Ngayon ko lang na-realize na ang tagal ko na palang hindi gumawa ng movie.

“After Super Noypi, iba na ang mga inasikaso noon, parati kaming nasa abroad noon ni Troy [Montero, her partner] noon.

"And eventually I got pregnant with our son, Hunter, who is now seven years old.

“My other son Maurie [from former boyfriend JP Obligacion] is fourteen years old naman.

“Kaya nakalimutan ko na rin ang paggawa ng movies, nag-enjoy akong maging mommy.

“Tapos yung pawnshop business ko, personal kong inaasikaso yun.

"Tsaka that time din, umiiwas na rin akong gumawa ng mga sexy movies, kasi nga I wanted to live a quiet life na with Troy.

"Yun din ang gusto niya kaya parang sabay na kaming hindi masyadong naging active sa showbiz noon.

“Tama lang naman ang naging desisyon namin to lay low.

"Sa business kasi, we are able to raise a family na maayos."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aubrey sa press conference Nilalang, sa WeLovePost office, sa Makati City, noong Lunes, October 12.

NILALANG. Guest role lang daw ang ginawa ni Aubrey sa pelikulang Nilalang, kung saan si Troy ang executive producer.

Lahad niya, “Troy convinced me to accept the role.

"Small role lang siya at matagal na rin akong hindi napapanood sa big screen.

“Pumayag naman ako kasi parang na-miss ko rin na umarte sa harapan ng kamera.

“Puro TV na lang ang ginawa ko for the past nine years, parang nanibago ako sa movie set.

“Ang maganda naman is I had a chance to work with Cesar Montano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong mga panahon na active ako sa showbiz, never akong nagkaroon ng chance to work with him.

“Magkakilala naman kami kasi nagkakasama kami before sa mga TV guestings at sa mga awards nights noon.

“Ngayon, parang ang ganda naman ng pagbalik ko sa movies kasi Cesar Montano ang bida.”

Naging close din daw sila ng leading lady ni Cesar sa Nilalang na si Maria Ozawa.

Ayon kay Aubrey, “She’s very nice at wala siyang kaarte-arte sa katawan.

“Kahit na nagsu-shoot sila sa maiinit na lugar, alam mong hindi siya sanay sa ganung set-up.

"Nakapagtrabaho na siya sa ibang mga film companies abroad.

“Never daw siyang nagku-complain, tapos she likes to do her own stunts.

“Nagugulat nga si Troy at si Direk Pedring [Lopez] kasi may double naman for her, pero she insisted on doing her own stunts.

“Kaya nakakabilib daw ang professionalism niya.”

TALENT FEE. Isa pang ikinatuwa raw ni Aubrey ay binigyan siya ni Troy ng talent fee.

“Nagulat nga ako noong may iabot na check sa akin si Troy, sabi niya, ‘Here’s your talent fee.’

“Aba, hindi siya yung honorarium. Kung ano ang talent fee ko before sa movies, yun ang nakalagay sa check.

“Natuwa naman ako kasi nakatanggap ako ng check na si Troy ang nakapirma.

“Hindi ko naman inasahan ‘yon from him kasi I would have done it for free para na rin suporta ko sa pelikula nila.

"Tsaka na-miss ko rin ang gumawa ng movie sa MMFF."

For three years in a row ay nakagawa raw si Aubrey ng mga pelikulang pang-MMFF: Gagamboy (2004), Exodus (2005), at Super Noypi (2006).

“Kaya excited na ulit akong sumakay sa float!” natatawang sabi ni Aubrey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN