Albie Casiño thankful for second chance in showbiz after issue with ex-girlfriend Andi Eigenmann

Albie Casiño on his kontrabida role in On The Wings of Love: “I’m just doing my job. Hindi ko na puwedeng isipin yung mga ganyang bagay because I have no control over those things. All I have control over is my performance. So, I’m just trying to do the best I can.”


Nakakahinga na nang maluwag at natutuwa ang Kapamilya actor na si Albie Casiño na may iba nang pinag-uusapan at itinatanong sa kanya ang press, bukod sa pinagdaanan niyang mga kontrobersiya kaugnay sa dati niyang girlfriend na si Andi Eigenmann.

Ngayon kasi ay nagkaroon ng panibagong sigla ang kanyang career sa pagkakaroon niya ng mga proyekto, lalo na ang ABS-CBN primetime series na On The Wings Of Love.

Ilang beses din niyang piniling manahimik sa mga ibinabatong isyu laban sa kanya.

Mas maganda bang nanahimik siya tungkol dito?

Sagot ni Albie, “Hindi naman po sa ganun.

“It’s just because… the only reason I kept quiet about it, about the incident, was yung counterpart ko sa incident was a female, di ba?

“So, as a guy, I don’t want to talk about a female in bad light.

“You know what I mean? Parang it’s just not my personality.

“Pero kung lalaki yung kaaway ko, e, di sige, magmurahan tayo, okay lang sa akin, wala akong pakialam, lalaki ka, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Albie sa On The Wings Of Love Media Day na ginanap noong Oktubre 12, Lunes, sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound.

Bukod kay Albie, present din sa event ang mga bida ng teleserye na sina James Reid at Nadine Lustre.

Maluwag na ba sa loob niya na hindi na siya kinukulit tungkol kay Andi?

“Oo, I’m very happy about that also,” sambit ni Albie.

Wala na ba siyang hinahabol na vindication?

Tugon niya, “The problem with that, yung vindication is you can only vindicate yourself.

“And for me, I’m okay, I’m over it.

"It’s the past, I don’t dwell on it anymore.

“Right now, I’m all about the present and the future.”



SECOND CHANCE. Ipinagpapasalamat lang ni Albie ang maituturing na “second chance” niya sa showbiz at pagkabuhay ulit ng kanyang career ang pagkakasama niya sa cast ng On The Wings Of Love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Muli ngang nagmarka ang pangalan niya sa mga tao dahil sa pagganap niya bilang si Jigs, na kontrabida at bully sa pagmamahalan nina Clark (James) at Leah (Nadine) sa serye.

Ang taguri nga raw sa kanya ngayon ay "Pambansang Bully."

Reaksiyon ni Albie dito, “Ang laki ng pasasalamat ko sa Dreamscape family ko po, kay Sir Deo [Endrinal, business unit head], lahat ng producers ng On The Wing Of Love, for giving me the chance.

“I’m just very happy, very overwhelmed.”

Nagpapasalamat din siya sa kanyang fans na patuloy siyang sinusuportahan.

“Ang laki ng pasasalamat ko sa fans because, you know, kahit naman I’m on the show of ABS and even if I’m doing my best, if the fans don’t support me, parang wala rin, e.

“So, I owe it to the fans also.”

Hindi ba siya dumating sa puntong na-frustrate siya dahil mula sa pagiging leading man dati ngayon ay kontrabida na ang role niya?

Sagot niya, “I’m just doing my job.

“Hindi ko na puwedeng isipin yung mga ganyang bagay because I have no control over those things.

“All I have control over is my performance. So, I’m just trying to do the best I can.”

Tuluy-tuloy na ba ang comeback niya?

“Iyon nga, e, I have a lot of thinking to do nga, e. But I don’t want to call my comeback complete yet.

“Siguro pag may show na after ng On The Wings, yun, okay na, puwede ko nang sabihin okay na ang comeback.”



BASHING AND BULLYING. Dahil siya ang tinatawag na "Pambansang Bully" kina James at Nadine sa serye, hindi ba siya nakararanas ng pamba-bash at pambu-bully sa Jadine fans?

Sabi niya, “Well, I’ve gotten like of course bashers.

“Pero yung kilala kong fans ng Jadine and siguro nakikita mo naman sa name nila, like Jadine official, blah, blah, blah… they all support me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang warm po ng pagtanggap nila sa akin.

“So, ang laki po ng utang na loob ko sa kanila na they accepted me and now they’re helping me with my career again.”

Kapag nasa labas siya, may mga lumalapit na ba para sabihing naiinis sila sa kanya?

Ayon kay Albie, “Mayroon, when I go out.

“Alam mo yung the usual na sasabihin nila, ‘Inis na inis ako sa iyo sa On The Wings.’ Hanggang ganun lang.

“Alam mo yung sasabihing naiinis pero natutuwa talaga.

“And they’re saying good things naman. Nagpapa-picture pa.”

So, nararamdaman niya ang acceptance ng audience sa kanya?

“By acceptance, if you mean inis, yeah, nararamdaman ko!” sabay tawa niya.

“Pero like I said, a lot of fans naman, they understand and they are very accepting of me.

“I guess, everyone else also because I’m evicting emotions from them, e, so that means I’m doing something right, di ba?

“Kung dedma lang sila sa akin, e, di yari ako doon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN