Sen. Miriam Defensor-Santiago confirms Sen. Bongbong Marcos as running mate in 2016 elections

Senator Miriam Santiago teams up with Senator Bongbong Marcos for the 2016 elections.


Kinumpirma na ni Senator Miriam Defensor-Santiago na si Senator Bongbong Marcos ang makakatambal niya sa 2016 elections.

Ayon kay Senator Miriam, mutual ang kanilang desisyon na magsanib-puwersa ni Senator Bongbong.

Bukas umanong nakipag-ugnayan ang kani-kanilang kampo bago sila nagkasundo para sa kanilang plano sa 2016 elections.

Pahayag ng senadora, base sa ulat ng GMA News Online ngayong Huwebes, October 15: "I think we mutually chose each other."

Noong Martes, October 13, pormal na inanunsiyo ni Senator Miriam ang kanyang kandidatura bilang presidente sa ilalim ng sariling partido, ang People's Reform Party.

Read: Senator Miriam Santiago announces presidential bid

Habang si Senator Bongbong ay idineklara ang kanyang kandidatura bilang bise presidente noong October 6.

Matatandaang nagpahiwatig ang senador na posibleng maging running mate niya si former Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Read: Senator Bongbong Marcos announces vice presidential bid

Ngunit noong Lunes, October 12, inihayag ni Mayor Duterte na wala siyang planong tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Ito ay sa kabila ng patuloy na espekulasyon kaugnay ng kandidatura niya bilang presidente para sa 2016 elections.

Ang huling araw ng paghain ng certificate of candidacy (COC) sa Commission of Elections (COMELEC) ay bukas, October 16.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN