Kris Bernal gets starstruck in front of Superstar Nora Aunor

Kris Bernal on meeting Nora Aunor: “Sino naman ang hindi mai-starstruck, e, Superstar ‘yan? Si Ms. Nora Aunor ‘yan at makakasama ko siya sa isang teleserye. Talagang hindi ko pinalagpas na magpa-selfie sa kanya!”


Kahit inabot ng siyam na buwan bago magbida ulit ang Kapuso actress na si Kris Bernal sa isang teleserye, sulit daw ang paghihintay niya dahil bigatin ang kanyang co-stars sa bagong GMA teleserye na Little Nanay.

Kasama sa cast ang Superstar na si Nora Aunor at ang veteran actor-director na si Eddie Garcia.

Inamin ni Kris na na-starstruck siya kay Nora nang magkaroon sila ng story conference at pictorial para sa kanilang teleserye.

❤️

A photo posted by Kris Bernal (@krisbernal) onOct 8, 2015 at 3:42am PDT

Sabi ni Kris sa panayam sa kanya ng news program na Balitanghali noong October 13, “Oo naman! Sino naman ang hindi mai-starstruck, e, Superstar ‘yan?

"Si Ms. Nora Aunor ‘yan at makakasama ko siya sa isang teleserye.

“Talagang hindi ko pinalagpas na magpa-selfie sa kanya!”

OTHER VETERAN ACTORS. Sinabi rin ni Kris na pinagdasal niyang mabigyan siya ng teleserye na matsa-challenge siya at makakasama niya ang mga mahuhusay na artista.

Huling napanood si Kris sa primetime teleserye na Hiram Na Alaala noong 2014.

Sabi niya, “Natutuwa lang ako kasi kahit na matagal ako naghintay for a new teleserye, heto at ang ganda naman ng role na ibinigay sa akin sa Little Nanay.

“Tapos hindi lang si Ms. Nora Aunor ang kasama ko kundi pati si Mr. Eddie Garcia.

“Si Tito Eddie, nakatrabaho ko na siya before sa Koreana in 2010.

“Tapos first time ko ring makatrabaho si Ms. Sunshine Dizon. Isa siya sa hinahangaan kong artista noong sumali ako sa StarStruck.


“Kaya ang suwerte ko na napasama ako sa teleserye na ito.”

Kasama rin sa cast sina Bembol Roco, Gladys Reyes, Keempee de Leon, Hiro Peralta, Juancho Triviño, at Mark Herras.

Ang role ni Kris sa Little Nanay ay isang ina na may mental disorder.

Si Chlaui Malayao, isa sa mga bida ng teleseryeng Yagit, ang gaganap na anak ni Kris.

Inilarawan ni Kris ang karakter niya at kung paano niya ito binigyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mother ako dito na may sakit na schizophrenia.

“Bukod sa acting workshop, nag-consult din kami sa isang psychiatrist para alam namin kung ano ba talaga ang sakit na ito at kung paano ba ito naku-control.

“May mga nakausap din akong mga patients na may ganitong disorder.

“Gusto ko kasing malaman kung paano ba sila kumilos. Ano ba ang naiisip nila at kung paano sila makitungo sa ibang tao.”

HOSTING STARSTRUCK. Abala rin si Kris sa paghu-host ng StarStruck 6.

Masyado raw emotional si Kris kapag may mga contestant na natatanggal sa reality show.

Alam daw kasi niya ang feeling ng bawat contestant dahil pinagdaanan niya lahat iyon.

Si Kris ang isa sa mga nanalo noong fourth season ng StarStruck.

Paliwanag ni Kris, “Mababaw talaga ang luha ko, e.

“Every time na lang na sasabihin ko na hindi ako iiyak, lalo lang akong naiiyak.

“Kasi nga, alam ko ang pinagdaraanan nilang hirap sa StarStruck.

“Kaya kapag may napapauwi, alam kong masakit iyon, kasi you did your best pero natanggal ka pa rin.

“Noong batch din namin, ako ang unang umiiyak kapag may napapauwi, lalo na kapag naging close na ako sa kanya.

“Kaya mahirap magpigil ng luha para sa mga batang ito.

“Pero lagi ko naman sinasabi sa kanila na hindi iyon ang katapusan ng mga pangarap nila.

“Basta patuloy lang silang mangarap, maging masipag, at magdasal. matutupad din nila ang mga dreams nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN