Jim Paredes to support Mar Roxas and Leni Robredo in 2016 elections

Ayon kay Jim Paredes, masaya siya na kahit may edad na ay nakakapag-perform pa rin siya, at hindi raw siya titigil hangga't kaya pa niya.


Susuportahan daw ng OPM icon na si Jim Paredes ang kandidatura ng Liberal Party standard bearers na sina Mar Roxas at Leni Robredo sa 2016 elections.

Bakit sila ang napili niyang suportahan?

Sagot ng miyembro ng APO Hiking Society, “Yung mga iba, may maraming unknown factor, e.

“I want Mar who is already there to do it, and I want Leni because she’s very grassroots.

“I think she understands the masa, magkokonek talaga siya sa masa.

“I think sa lahat ng mga tumatakbo ngayon, they are the most competent and the most honest."

Sinabi rin ni Jim ang mga katangiang hinahanap niya sa isang kandidato.

“Sa akin, honesty at competence.

“Kung competent lang pero hindi honest, ayaw ko.

“Kasi everytime I see a new bridge or a new building, sasabihin ko, 'Ninakawan ako niyan.' You know what I mean?

“I want somebody who is, like, straight, it makes a big difference.

“At saka kung hindi magnanakaw ang lider, hindi magnanakaw yung nasa baba.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jim noong Miyerkules ng gabi, October 14, sa 25th grand celebration ng Avida, na ginanap sa Turf, Bonifacio Global City, Taguig.



NON-STOP OPM. Samantala, naibahagi rin ng 64-year-old musician na masaya siya na hanggang ngayon ay nakakapag-perfrom pa rin siya, at kinikilala bilang isang OPM icon.

Saad ni Jim, “I really enjoy what I am doing. I really feel my music is alive.

“And I don’t label myself as anything old, 70s, wala. I am just a person who gives surprise and delight.

“I actually enjoy it more now, e.

"Noong '70s, bata ako, I have to watch yung angst, and I was so self-conscious and everything, parang naguguluhan ako.

“Ngayon, parang ngayon, 'It’s a gig, wow let’s do it!'"

Dagdag ni Jim, ipagpapatuloy pa rin niya ang pagkanta hangga’t kaya niyang mag-perfrom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I will die with by boots on," nakangiting sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN