Julie Anne San Jose comfortable with new loveteam partner Jake Vargas

Julie Anne San Jose admits Jake Vargas sometimes asks her out: “Minsan nag-aaya po siya na lumabas. Pero yun nga po, hindi ko maibigay sa kanya ang oras kasi ang busy rin ng schedule ko, tapos nag-aaral ako, may iba rin po akong commitments. Hindi ko rin po alam, pero nagkikita naman kami sa taping, during break time. Yun, parang nag-uusap kami, nagba-bond kami, so not bad.”


“Wala naman pong masyadong hate!”

Ito ang natatawang sagot ni Julie Anne San Jose nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang love team nila ni Jake Vargas, bago ang Kapuso Masskara Festival show nila sa Bacolod noong Lunes, October 12.

Si Jake ang kapareha ni Julie Anne sa afternoon drama na Buena Familia. Magkasama rin sila paminsan-minsan sa weekly sitcom na Pepito Manaloto.

Kuwento pa ni Julie Anne tungkol sa reaksiyon ng fans sa tambalan nila ni Jake, “Actually, siya po yung isang na-partner sa akin na sinasabi ng most of the people na, 'Bagay pala sa 'yo.'

“Talagang nakakatuwa, kasi yung mga Julienatics, Adiks, todo-suporta naman talaga sila. Pati po ang fans ni Jake.

“Wala naman pong problema doon.

"Hindi rin naman po bago na nakatrabaho ko si Jake kasi nakakasama ko rin naman po siya sa Pepito Manaloto."

Hindi direktang sinagot ni Julie Anne ang tanong kung masasabing better onscreen partner si Jake.

Pero aniya, “I don't find time any hard time working with him so far.

“Kasi lahat naman po ng nakakapareha ko, iba-iba po talaga sila.

“Ito yung sobrang chill lang at saka parang barkada.

“Masarap pong katrabaho si Jake. Humahawak ako sa kanya ng emosyon, ng hugot.”

Nang tanungin kung dumating na sa puntong nagkasama sila sa labas ng trabaho, umiling nang bahagya ang Kapuso singer-actress.

Sabi ni Julie Anne, “Minsan nag-aaya po siya na lumabas.

“Pero yun nga po, hindi ko maibigay sa kanya ang oras kasi ang busy rin ng schedule ko, tapos nag-aaral ako, may iba rin po akong commitments.

“Hindi ko rin po alam, pero nagkikita naman kami sa taping, during break time.

“Yun, parang nag-uusap kami, nagba-bond kami, so not bad.”



ON BUENA FAMILIA. Samantala, masaya naman daw si Julie Anne dahil nakatutulong ang Buena Familia para mas mapabuti pa ang kanyang kakayahan sa pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang nate-train ako nang husto sa Buena Familia.

“Kasi, hindi siya yung usual na nakikita nila na kumakanta lang ako o nagko-comedy sa Sunday Pinasaya.

“Kumbaga, parang may character talaga na pinu-portray.”

Dagdag ng 21-year-old singer-actress, “Yung isa talagang natutunan ko is magko-commit ka doon sa scene.

“And yung professionalism, yun ang isa sa mga pinakaimportante, respect sa mga co-workers mo.

“Tsaka kailangan talaga aralin yung script, yung story, yung characters.”

Kinumpirma ni Julie Anne sa naturang interview na extended ang Buena Familia hanggang January 2016.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN