Manny Pacquiao, Edu Manzano file COCs for senator in 2016 elections

Manny Pacquiao and Edu Manzano are amongst showbiz personalities who filed their respective certificate of candidacy at Comelec this Friday, October 16.


Nakapaghain na si Sarangani Representative Manny Pacquiao ng kanyang kandidatura bilang senador sa Commission on Elections (Comelec) ngayong Biyernes, October 16.

Pasado alas-onse ng tanghali nang makapasok si Manny sa loob ng Palacio de Gobernador sa Intramuros, Maynila.

Kasama ng Pambansang Kamao ang misis niyang si Jinkee Pacquiao at mga anak na sina Emmanuel Jr. at Israel.

Kabilang din sa showbiz personalities na nagsumite ng kanilang certificate of candidacy si Edu Manzano na tatakbo bilang senador.

Buo ang suporta sa kanya ng mga anak na sina Luis, Enzo, at Addie Manzano na sumama sa dating Optical Media Board Chairman sa tanggapan ng Comelec.

Tatakbo bilang independent candidate si Edu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN